Kris Aquino, namili ng isasama sa premiere night ng pelikula

Kris-AquinoNAKAKATUWA SI Kris Aquino, dahil sa kanyang mga Instagram posts ay nag-announce siya na mamimili siya ng 20 lucky people na isasama niya sa premiere night ng My Little Bossings sa Dec. 21, Sabado sa Megamall.

Kaya naman nu’ng in-announce din ni Kris ang winners ay tuwang-tuwa ang mga napili. Knowing Kris, aasikasuhin din niya ang mga ‘yon. At karamihan sa mga napili ni Kris ay gustong ma-meet sila ni Bimby personally.

At kung kilala namin si Kris, baka i-treat niya pa for a dinner ang lahat ng winners.

Sa Dec. 22 na ang parada ng mga entries. At sana, makayanan ng mga batang sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap ang init ng araw, kaya good luck nang bonggang-bongga!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Kris Aquino, namili ng isasama sa premiere night ng pelikula

  1. naku, boladas lang yan ni tetay, tuwing mmff lang niya yan ginagawa hahahahaha…ano yan, nagpapalakas na para sa 2016 elections? hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.