Kris Aquino, naiinggit sa damit ni Liz Uy?!

SOBRA YATANG nainggit si Kris Aquino sa suot ng stylist na si Liz Uy sa cover ng isang magazine.

Liz was draped in a sexy outfit na kitang-kita ang kanyang cleavage which probably prompted the TV host to tweet her.

“Wow Liz! HOT!!! Gorgeous pic! I love the dress- want 1 but less cleavage okay? For MMFF!” tweet ni Kris.

Iba rin si Kris, ‘no? Talagang wala siyang keber para sabihin niyang gustung-gusto niya ang suot ni Liz at type rin niyang magpagawa ng katulad noon.

Of course, Liz was too accommodating sa TV host na inaayusan din niya.

“Heehee!!! of course less cleavage! that’s @MartinBautista9 creation. will ask him. what color?” she tweeted back.

“SILVER! And gown length! Not a deep cleavage but low back! Maybe more of a halter?” tweet naman ni Kris na nasa Korea noong mga oras na ‘yon kasama ang kanyang dalawang anak.

Actually, parang ginawang big deal ang cleavage ni Liz sa kanyang cover pictorial dahil ito ang slant ng publicity sa kanya.

Will Atom Araullo find her more interesting?

 

NAGING MAGANDA ang first experience ni Mario Maurer sa Pilipinas while shooting Suddenly Its Magic with Erich Gonzales kaya naman welcome na welcome sa kanya na muling gumawa ng pelikula sa bansa.

“Yes if I have a chance, if I am available and my schedule permits for sure I will comeback,” sabi niya.

Not surprisingly, merong Filipino words na natutunan si Mario sa ilang linggo niyang pananatili sa bansa.

“Sabehhh! Sarap! Mahal kita. Mahal ko kayo. Salamat po. Maraming salamat po,” sabi ni Mario, bagay na ikinatuwa ng mga nakarinig sa kanya.

Sabi pa ng boyishly handsome Thai actor, hindi niya akalain na malakas palang manampal si Erich. May eksena kasing he was slapped by Erich at sinabi ng dalaga sa earlier interview niya for Suddenly Its Magic na naloka nga raw ang Thai actor dahil tinotoo niya ang pagsampal dito.

“My jaws turned red. She has a strong hand,” sabi ni Mario.

Nang sabihin sa kanya kung bakit siya sinampal, na dahil hinawakan niya ang boobs ni Erich, matalinong sumagot si Mario.

“It’s my character, it’s not me,” sabi niya.

 

NALOKA KAMI sa observation ng aming friend about the new soap of Jake Vargas and Bea Binene.

Say ng friend namin, hindi believable ang ilang characters sa soap na halos walang nanonood. May characters kasi na nag-aaral sa isang supposedly private school pero kapag nagsalita ay parang nag-aaral lang sa public school at halatang pilit na pilit na magkaroon ng accent.

Natsi-cheapan din ang aming friend sa cheap-looking paper cups na ginamit ng mga sosyal na estudyante. Sabi niya, rich kids don’t use plastic cups when drinking.

Sabi pa ng friend namin, tama ang obserbasyon naming pangit nga ang early morning soap ito ng GMA-7.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

7 thoughts on “Kris Aquino, naiinggit sa damit ni Liz Uy?!

  1. Walang siyang karapatan na mainggit kay Liz Uy dahil hindi babagay ang damit ni Liz sa katawan niya na laspagin. Kaya siya sikat dahil nababalutan siya ng kayamanan na kinurakot ni Cory at Ninoy sa mga tauhan nila sa hacienda. Maputi lang ang pek pek niya kung hindi kamukha rin nya si Pokwang!

  2. Dapat sana kung ano ang headline, kung saang network, doon lang ifocus ang article. Huwag nang isingit ang ibang kwento galing sa ibang network. Pangagamit ang tawag diyan. Kung dos dapat dos, kung gma dapat gma. Minsan ginanagawang headline ang mga sikat na stars ng dos para i endorse ang mga stars at palabas na hindi naman kilala.

  3. misleading ang title ng article, parang pinapalabas na nega si kris. hindi naman big deal kung mainggit si kris, eh may pagkainggitera naman talaga sya.

    nakakaawa si mario maurer, bet na bet kong flopsina ang first pinoy movie nya. unang una pa lang, mali na ang piniling leading lady nya. sa isang painosente at nasa loob ang kulo na erich gonzales napunta, wala namang masa appeal ang hitad, kung siguro sina sarah geronimo o kim chui, may pag asa pang kumita ang unang pinoy pelikula nya. ikalawa, tapatan ba naman ng james bond movie? syempre mas tatangkilikin ng pinoy ang james bond kesa sa corny na pelikula. advance condolence sa suddenly it’s my magic.

    eh ano pa bang maaasahan sa soap ni bea binene, napakanega ng imahe ng malanding starlet tapos walang kwenta ng istorya, dapat isang buwan lang ang soap kasi walang kwenta, parang si bea binene na patweetums ang imahe pero sa totoong buhay isang napakalanding bata. feelinggerang palaka kasi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.