Kris Aquino, nahihirapan na sa kampanya ni Noynoy?!

OLA CHIKKA! BAGO ang lahat ay nais kong batiin si Cheryl Cosim, belated happy birthday friend! At ngayon ay araw ng Lunes ngunit puro kainit-init ng ulo ang mga chikkang ihahatid ko sa inyo. Itong mga artistang ito ay pinahihirapan pa ang mga sarili. Kung ayaw at nahihirapang gawin eh, ‘di tumigil na!

Una, itong si Manny Pacquiao na akala mo ay pagkaguwapo-guwapo kung lumipad sa ere ay abot pa hanggang Pluto na sa sobrang kayabangan, akala mo kung sino?! Excuse me pow!
Gagawa-gawa ng kalokohan, ngayon magdedemanda! Ano ba naman ‘yun?! Kung walang apoy, walang usok. Kaya tumigil-tigil nga sila sa kadramahan nila. Matapos magpahabol nitong si Krista Ranillo sa press, si Pacman naman ang hahabol sa press para magdemanda. Kulang ba kayo sa pansin?!
Kung may dapat kayong idemanda ay hindi ang mga press dahil kung ano lang ang totoo at lumalabas na chika nire-research namin. Hindi n’yo kaya subukang tumingin sa paligid n’yo, dahil walang ibang taong makaaalam ng mga baho n’yo kundi ‘yung mga taong nasa paligid n’yo lang din.

Eh, ano naman kung magdemanda si Pacman eh, totoo naman. Sa oras na gawin niya ‘yun eh, di maglalabasan ang mga ebidensiya sa mga kalokohang pinaggagagawa niya. Don’t underestimate the power of the press people! Wapak!

PANGALAWA, ITONG SI Kris Aquino na kung nahihirapan na sa pangangampanya para sa pagtakbo ng kapatid niyang si Noynoy ay stop na! Kung hindi na kaya, ‘wag piliting makipagsabayan dahil pati budget ng mga bagets mo ay
naaapektuhan na, hindi naman na tama ‘yun. Apektado raw ako! Akala mo ako ang nagpundar nu’n. Ha-ha!

Ang sa’kin lang kasi ay hindi n’yo naman kailangang makipagsabayan sa mga advertisement ng mga kalaban n’yo dahil hindi naman showbiz ang pulitika para magparamihan kayo ng exposure.

Sa panahon ngayon hindi na tanga ang mga botante para idaan sa pasikatan ang pangangampanya. Pero ang hindi ko alam ay kung may mga magician pa rin na magsusulputan sa panahon ng eleksiyon, abracadabra! ‘Yun na!

BLIND ITEM: SINO siya? Sino itong Desperate ex-comedian na may pagka-sunken garden ang effect as in talagang laos na dahil napag-iwanan na siya ng kanyang “bespren”. Paano kong nasabing desperate?!

Nasa isang party sa Timog, QC ang anak kong babae nang lapitan siya nitong desperate ex-comedian at simulang landiin ang anak ko. S’yempre ang anak ko, wah sa pagkagat sa pagpapa-cute nitong ex-comedian kaya tinanong niya, “Asa’n ang asawa mo?” At  ang say niya ?! “Wala na kami, sinusustentuhan ko na lang ang mga anak ko.”

Ang guwapo mo! Hard support ang asawa mo nu’ng taong-bahay ka pa tapos ngayong single ka na, Eeeww!
Kaya sabi ng anak ko, iba-blind item daw niya itong desperate ex-comedian, at tanong n’yo kung ano ang sagot ni ex-comedian? “Mas maganda yun para sumikat ako ulit.”

Yuck! How desperate! Sige kahit walang sense, pagbigyan! Sino itong desperate ex-comedian? Tanong n’yo kay “Bhoy”. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

6 thoughts on “Kris Aquino, nahihirapan na sa kampanya ni Noynoy?!

  1. Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.