KRIS AQUINO, NAGPARAMDAM NG ‘CHRISTMAS IN JUNE’

KRIS AQUINO

LAST NIGHT, Monday, June 18 ay ang grand presscon ng pelikulang ‘I Love You, Hater’ kung saan bida sina Kris Aquino, Julia Barretto at Joshua Garcia mula sa direksyon ni Giselle Andres.

Dahil sa “nagbabalik” si Kris sa ABS-CBN after almost two years of absence from the Kapamilya Network at Star Cinema ay bongga ang paandar ng Queen of All Media nang humarap muli siya sa media at bloggers last night.

Kasama niya angn anak na si Bimby na guwapong-guwapo na naging ‘bantay’ ni Tetay lalomopa’t knowing Kris na ’over-over’ at kung minsan ay walang preno magsalita at mag-comment ay panaka-naka ay bumubusina ito at nagpe-preno kapag naaalala na kasama ang anak sa naturang event.

Yes, binulabog niya ang mga dumalo sa presscon ng movie niya where she plays the role of Sasha Imperial na bossing nina Joshua (as Joko) and Julia (as Zoey) na ipapalabas na sa darating na July 11.

Sa kanyang IG account ay nagpost siya ng maikling mensahe kung paano nabuo ang idea ng pa-Christmas in June niya kung saan tunay ngang nagpapasko si Tetay sa mga naimbitahan.

Sa posting niya: “My team was asked by @starcinema promo to make tonight’s (last night naganap) I Love You Hater Grand Press & Bloggers Conference more special by bringing some giveaways from my sponsors & endorsements. My Mom taught me- kung dadalaw ako, hindi pwedeng wala akong dalang regalo na pasasalamat…

“After 2 years this is my 1st time to be part of an ABS-CBN event, so over the weekend, i called a few friends… Patikim lang po ito ng mga “surprises” ko for tonight. Hindi lang lootbags… Trust me when i say- i know how to express my gratitude by generously sharing all my blessings. And how thankful i am for the opportunity @starcinema gave me.”

JOSHLIA with Kris Aquino

During the presscon pinasalamatan niya ang Star Music Head na si Roxy Liquigan dahil ito ang dahilan ng muling pagbabalik niya sa dating home studio-network.

As of this writing, after ng I Love You Hater ay may niluluto na project na si Tetay for Star Cinema. Ang manager ni Kris din mismo ang bumawi ng short info na binitawan dahil wala pa detalye ang bagong niyang movie sa kompanya.

Ang daming tsika about Kris. About Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang panunukso niya kina Joshua at Julia, ang ilang isyung pulitika at marami pang iba naisusulat namin sa mga darating na panahon.

Welcome to showbiz again Tetay.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.