Kris Aquino at Mayor Herbert, muling nagkita sa kasal ng yaya ni Bimby!

Herbert Bautista and Kris Aquino

GOOD TO see Kris Aquino and Mayor Herbert Bautista together sa Quezon City Hall. May mga kinilig sa muling pagkikita ng dalawa pero ang purpose noon ay hindi para sa kanilang personal na mga buhay.

Kris went to Quezon City Hall dahil ipapakasal niya ang yaya ni Bimby na si Yaya Raquel sa boyfriend nitong si Jun Aries Confesor. Siya rin ang tumatayong ninang ng dalawa.

Ginanap  ang civil wedding ng dalawa na si Mayor Herbert ang nag-officate noong Miyerkules ng tanghali (Jan. 10).

Pinaluwas ni Kris (all expenses paid) ang nanay ng groom all the way from Bacolod para saksihan ang kasal.  Si Kris din ang sumagot ng gastos sa reception ng bagong kasal sa Sweet Inspiration.

Hindi naman nakapunta si Kris sa reception ng yaya ng kanyang bunsong anak dahil meron itong taping.

This time, hindi na naglupasay si Bimby sakasal ni Yaya Raquel na katulad ng ginawa niya noong ikinasal ang first yaya niyang si Gerbel.

 


La Boka

by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.