Kris Aquino, may mga pahaging kay Diether Ocampo

PARANG MAY ‘SOMETHING’ nga kaming nahihigingan sa kuwento sa amin ng Queen of All Media na si Kris Aquino, nang makausap namin ito sa dressing room ng ABS-CBN, kung saan guest siya ng birthday boy na si Kuya Boy Abunda noong Linggo. Halos isang oras ‘ata naming nakaututang dila si Krissy bago pa ito isalang sa interview sa kanya ni Kuya Boy and vice-versa.

Nagtanong at nangumusta lang kami sa set ng Dalaw na ginagawa niya for Star Cinema at kung saan part-producer din siya. At nauwi ang kuwentuhan sa pagpapalagayang-loob nila ng leading man niyang si Diether Ocampo.

Ngayong nagkakapalagayan na sila at nakunan na nga ang kung ilang kissing scenes nila in the movie, maraming times na nakakapagkuwentuhan na nga sila tungkol sa mga buhay-buhay nila. At minsan nga raw naitanong ni Kris kay Diet kung ano ba ang hinahanap pa nito sa isang babae.

Gusto raw ni Diet ‘yung may shared vision sila ng magiging partner niya, fidelity at deep commitments na meron both pagdating sa work nila. At sa punto’ng ‘yun nga, sinasagot din ni Kris ang gusto niya: simple lang, manood ng sine, eat out every 10 days, pero wala raw at hindi na niya naiisip ang sobrang lalim na shared vision na hinahanap ni Diet.

“Ang babaw ko. Nahiya ako bigla. Ang lalim naman ng mga gusto niya!” bulalas ni Kris sa amin.

One time din daw, pinansin ni Diet ang mga dala-dala niya sa set. Kasi nga, may microwave oven siya, may mini ref, may porta Potty, pUwera pa ang halos isang cabinet ng hilera ng mga isusuot niyang damit, kahon-kahong sapatos, make-up kits.

“Parang buong bahay ko na raw ang dinadala ko. Sabi ko naman sa kanya, imagine naman, hanggang umaga tayo nagsu-shoot, sIyempre, most of the time, kung kakain tayo, gusto natin mainit ‘yung food, etc.

Bakit daw lima-lima ang maleta ko. Sabi ko, I am not a simple girl. At wala akong mga pretensions. I work this hard kasi nga, I am high maintenance. Eh, siya rin ang nagsabi sa akin kung hindi ko raw ba feel na parang may parallelism sa ‘ming dalawa?”

Ah, ‘yan malalim na, sabi naman namin sa kanya.

Tinanong naman daw ni Kris si Diet what went wrong sa relasyon nito with Rima Ostwani. At time nga lang daw talaga ang pinag-ugatan ng lahat. And it happened daw nu’ng nagsabay ng dalawang pelikula si Diet at hindi na raw naka-adjust si Rima.

Dineretsa raw nito si Diet na hangga’t maaari, ayaw na niyang makarelasyon ang isang artista. Mas gusto na niya na isang commercial director ang ipagpe-pray niya. Para ‘pag gumawa raw siya ng commercial eh, walang problema sa oras. Tinanong nga ni Kris si Diet kung ano ang masasabi nito tungkol sa pre-nuptial arrangement sa isang relasyon.

Sabi naman daw ni Diet, he’s been working so hard, napagdaanan na niya ang maraming bagay, nanggaling na siya sa ibaba, sa pagwe-waiter, at iba pang paghihirap. Mukhang hindi ito sang-ayon sa ganoong arrangement.

Pati ang K.I.D.S. Foundation ni Diet eh, nausisa na rin sa kanya ni Kris. Kung tuluy-tuloy pa rin ba ito at sinadyes na nga raw niya kay Diet na huwag na itong gawin sa Cavite at ituloy na lang nila sa Tarlac.

Ano ‘to, may mga plano na sa buhay?

Pinakialaman na rin daw niya ang mga bagay tungkol sa vanity ng mga lalaki. Na there’s nothing wrong with being vain. Kasi, may sinabi siya kay Diet na magpa-treatment sa mukha nito.

Ang buwelta sa kanya ni Diet, bakit daw ba siya, napaka-obsessed mag-cologne. Si Diet daw kasi, hindi. Sabi raw sa kanya ni Diet, hindi raw ba niya napi-feel na ang OA niya magpabango.

Ganitong klase ang mga palitan nila ng kuwentuhan sa pagkudlit sa pagkabagot sa paghihintay ng takes nila sa set ng Dalaw.

Kung may puntahan man ito, sinisiguro ni Kris na hindi ito mangyayari ng agad-agad. Pagkatapos na raw mai-showing ng pelikula, malagay sa DVD at mapanood sa Cinema One, at saka pa lang niya masasabi kung sakali ngang may pinuntahan ang unti-unti nilang pagkilala sa isa’t isa ni Diether.

Isang taon pa? Kaya niya?

Eh, sa Pasko, baka kasama na siya sa Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.

“Malay mo!” hirit naman nito uli sa amin.

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

21 thoughts on “Kris Aquino, may mga pahaging kay Diether Ocampo

  1. PWEDE BA, TIGILAN MO SI DIETHER! maawa ka naman doon sa tao, wag mo nang i-drag sa kababuyan mo ‘no! hindi ka lang talaga attention-whore, ang kati mo pa! can’t live without IT ‘no? siguro para sa yo, kris kadire, walang problema na kung sino sinong lalake ang gumagamit sa katawan mo, pero pwede ba, WAG MO LALANDIIN SI DIETHER! baka mahawaan mo pa yan ng sakit mo, yuck!

  2. WHATEVER EVERYONE SAYS, KRIS’ STILL IS A MAGNET FOR THE CURIOUS. NO ONE CAN BE ON THE SAME LEVEL. SHE IS ONE OF A KIND. I LIKE HER.

  3. These are all presumptions that would make you thik twice:
    I am not surpirsed if one day malaman na lang natin that the reason why Diet and Rima broke up is because of this project. Remember, Kris will not do any kissing scene with an “involved” man. Since medyo nag-windang ang career ni Diet and he badly needs a job, eto siya at break Rima, and accept ang role as husband of Kris. NO wonder 5 takes all out kissing ang mag-auntie!!!

  4. MGA INGGIT LANG KAYO AT SIGURADO KAYO ANG BAYARAN HAHAHA KAYO ANG WALA PERA AT HINDI NYO KAYA ANG LIFESTYLE NI KRIS KAYA IKAW ANG UHAW DAHIL DI MO KAYA BUMILI

  5. ganyan ang lifestyle niya kasi ngayon lang niya natikman ang ganyang buhay. kumikita siya ng malaki sa showbiz na ang puhunan niya ay pangalan lang ng kanyang pamilya. sobrang “deprived” sa luho kasi may misconceptions ang mga Pilipino tungkol sa totoong kabuhayan nila. totoong napakayaman ng mga Cojuangcos, pero hindi ang side ni Cory at Ninoy. meron silang pera pero di ganoon karami. ang mayaman sa angkan nila ay ang side ng ama ni Tonyboy at Danding. mahigpit sa pera si Ninoy, ganoon din si Cory. pero kung sa edukasyon, all out si Ninoy. pero simple lang ang kanilang buhay. kitang kita mo naman sa bahay nila sa Times. isa pa maraming nawalang ari-arian sila ng mga panahong kumakandidato si NInoy noon. nataon pa na lumalaki si Kris na nakakulong ang ama. kaya ganyan si Kris kauhaw sa mamahaling mga bagay at gamit at kung ano ano pa. kaya naman lahat ng nabibili niya talagang ibinabandera niya kasi ngayon lang niya nakuha ang mga ito.
    ganyan din si La Greta. ang naiba lang talagang kahanga-hanga ang mga magulang ni Kris. sayang lang dahil sa pagmamahal sa bayan di masyadong nabantayan si Kris.

  6. Queen of all media ang tawag ng mga bayarang writer na ito kay Kris. Ok pa sana kung Queen of Controversy. Suapang talaga ang babaeng ito eh. Kinanya na lahat ang pagiging reyna, eh over naman sa kawalan ng talent. Ang talent lang nito eh magpaka kontrobersyal at iladlad sa publiko ang buhay nya. Kakasuka! Hay naku ang mga writer nga naman kung saan may malakas na ulan dun sila pupuri na halos himurin na ang pwet ni Kristd!

Leave a Reply

Your email address will not be published.