Kris Aquino, may bahid ang bagong karelasyon?

Kris-AquinoKAPAG NAGRARADYO ako sa DZRH o ‘di kaya sa DZBB ang daming nagtatanong tungkol sa lovelife ni Kris Aquino.

Ang sabi raw kasi, isang public official sa Bataan ang kasalukuyang karelasyon niya. Kaya lang, parang pinagdududahan ang gender nito na ang tsismis, may bahid daw ito.

Parang kamukha pa naman ni James, pero ewan ko nga kung totoo ‘yung naririnig kong kuwento.

Tahimik lang naman si Kris tungkol sa lovelife niya, pero parang in love nga siya.

Nu’ng nakausap nga ng Startalk si James, ganu’n din daw ang nararamdaman niya kay Kris. Mukhang in love nga raw ito dahil napaka-positive daw ng dating nito. Kaya malaki ang pasasalamat ni James sa lalaking kinaiinlaban ngayon ng dating asawa.

Pero bakit natsitsismis din si Kris kay Daniel Matsunaga? Nakasama niya ito sa taping ng Kris TV sa Palawan at doon napag-usapan silang dalawa.

Parang ayokong maniwala. Kaya tingnan na lang natin kung magsasalita si Kris tungkol sa lovelife niya.

Sabi niya kasi, mas gusto niyang tahimik na lang ngayon para hindi na maunsyami pa.

Kaya kung tingnan n’yo raw ngayon ang mga post ni Kris sa Instagram account niya, positibo ang mga ipinu-post nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Kris Aquino, may bahid ang bagong karelasyon?

  1. c kris naman…nag feeling teen-ager …ang harot harot….di daw nia sasabihin yung bagong bf nia daw kuno…pero cia naman nagbubuko ng saliri nia….baliw na talaga tong babaing ito…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.