Kris Aquino, matapos ‘mauntog’ natauhan na kailangang magpahinga!

KUMPIRMADONG DALAWANG BUWANG mamamahinga si Kris Aquino sa programang SNN dahil mas bibigyan nito ng atensiyon ang eleksiyon.

At dahil mababakante ang puwesto ni Kris sa dalawang programa sa channel 2 kung kaya’t magkakaroon ng pagkakataon ang ilan pang ABS-CBN talent na makapag-host ng nasabing number one showbiz talk show.

Samantala, naloka si Angelica Panganiban nang malaman niyang “mamahinga” si Kris sa SNN. Kasi, ginagaya ni Angelica si Kris sa NNNN bilang Kris. At dahil pansamantalang mamahinga si Tetay, kaya kailangan din niyang magpahinga sa pag-i-spoof.

MAGIGING REYNA NA at long last si Ruffa Gutierrez sa isang programa na ibibigay sa kanya ng channel 5 matapos na siya ay lumipat sa TV5. “Kung sa The Buzz ay parang isa lang siya sa mga host, dito siya talaga ang host,” pahayag ng aming source na nagsabi rin na bukod kay Ruffa ay maraming GMA artist din ang lilipat na sa kanilang kuwadra.

Samantala nakausap namin si Mang Dolphy kamakailan sa Greenhills at ang isa sa mga itinanong namin sa kanya ay kung ano ang dahilan kung bakit siya lumipat sa TV 5, isa lang ang kanyang naging sagot: “Mahal ko pa rin ang channel 2, pero wala naman silang ibinibigay na work sa akin? Paano?”

Ayon kay Mang Dolphy, hindi naman porke may edad na siya ay titigil na siya sa trabaho. “Ang ganitong gawain ay hindi natin basta matatalikuran na lang. Nasa dugo na natin ang ating trabaho, rito na tayo tumanda.”

Sinabi pa rin ni Dolphy na maganda raw ang project na ibinigay sa kanya ng channel 5 na tiyak umanong magugustuhan ng mga tao. “Basta ang masasabi ko lang diyan, masaya at wala akong pinagsisihan sa aking naging desisyon,” pagwawakas ni Mang Pidol.
HINDI PA RIN mapigilan ang pag-iyak ni Francine Prieto matapos na ilabas sa hospital ang kanyang ina dahil sa sakit nitong cancer. Ayon kay Francine, sobra raw ang pasasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanya financially.”Gusto kong magpasalamat kina Diana Zubiri, Alfred Vargas at sa marami pa nating kasamahan sa showbiz na tumutulong sa akin para mapagamot ko ang aking mother.”

Ayon pa kay Francine, hindi raw ganu’n kalaki ang kanyang kinita sa showbiz at sa sobrang haba ng gamutan sa kanyang ina. Kinakapos na rin daw siya financially kaya ang laki ng kanyang pasasalamat nang mag-volunteer ang maraming kaibigan niya sa showbiz na tutulong financially.
Ang ilan sa mga tumulong na kay Francine bukod kina Diana at Alfred ay si Kris Aquino.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

7 thoughts on “Kris Aquino, matapos ‘mauntog’ natauhan na kailangang magpahinga!

  1. ree- she’s trying to sell it na…matagal na..pina announce pa nga niya sa philstar…PARA NAMANG KASING MABILIS MABILI SA PANAHON NGAYON ANG 10MILLION NA BAHAY, DI BA?

  2. Sa sobrang gahaman ni Kris Aquino sa mga project sa DOS dahil hiningi nya ito sa manager nyang si Deo Endrinal. Tama ba yun? Ung ibang talent ng DOS wala ni isang palabas kaya lumilipat. Ito ba ang turo ni Pres.Cory sa kanya?

    Narinig nyo bang tinawag nyang KUYA si Noynoy?

    Sabi nya sa FaceBook, nasa 50,000 daw pumunta sa Araneta Coliseum last Feb.25 pero pano mangyayari yun eh 22,000 total capacity nito.

    • PARANG HINDI NYO KILALA SI KRIS! totoong maraming nagpunta sa araneta pero hindi dahil kay abnoy kundi dahil sa mga artista.

      pero teka matanong ko lang NASAAN NGA PALA SI NOY NOY NUNG EDSA 1? kasi nandun ako during that time at nakita ko lang si curing at si kris nung tapos na at nakapag fly na sa hawaii si lolo mackoy.

  3. Pansin ko lang ha, lahat ba naman ng mga nangyayari kay kris at sa kanyang pamilya (kulang na lang eh pati ung pagbuga niya ng masamang hangin) ay kailangan pang ibalita sa SNN o The Buzz? Don’t get me wrong pero sobrang nakakaumay na sila. Buti na lang at nauso ang DVR at pwede mong i-forward ang artista na ayaw mong mapanood. :-)

  4. si Francine hanggang sa pasasalamat nya sa tumulong sa kanya utak kapuso pa rin. ang mga kapamilya na nagvo-volunteer para matulungan sya hindi man lang sya magsabi ng kahit isang pangalan. besides, meron pala syang bahay worth 10million pesos kung ibebenta nya bakit hindi nya nai-try ibenta noon pa ang live sa bahay na hindi masyadong magarbo. ano ba yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.