Kris Aquino, masisibak sa Dos?!

OLA CHIKKA! BUMABALIK na naman ang isyu rito sa Pambansang “K” ng bansa. Sino pa eh, ‘di itong si Krista Ranillo! Bhuket?

Paano ay nakatanggap ako ng text message na nakita raw nilang pagala-gala rito sa ‘Pinas itong si Krista. Ngunit kung ako ang tatanungin, hindi ito kapani-paniwala. Dahil ayon sa aking parazzzi girl, nasa Tate raw itong Krista at abalang-abala sa kanyang mga business.

Kung sa bagay, mas uunahin ko rin ang magkadatung kesa gumala-gala lang. Pero, mukhang kakaiba talaga ang power nitong babaeng ito dahil parang anak na lang ng presidente. Kasi nga, kahit imposible ay nagagawa na niya. Hmmm… sino kaya ang dahilan?

Pero teka! Ano itong narinig ko?! Na itong si Krista raw ay bongga ang opening ng kanyang mga business sa Tate tulad ng kanyang boutique at RTW. Pero hindi iyan ang kagulat-gulat du’n, alam n’yo kung ano?!

Ayon na naman dito sa parazzi girl ko, kasabay ng pagbukas ng business ng Pambansang K itong pagbubukas din ng business nitong asawa ng Pambansang Kamao. Plangak! Si Jinkee Pacquiao nga na siyang may RTW at boutique na rin sa Tate. Ay taray!! Double celebration! Naku, huh! Ayan na naman. Stop them na!

AT ISA PA itong isyu na dapat i-stop na! Sino itong napapabalitang bagong naghahari-harian sa Dos. Sino pa, eh ‘di itong si Willie Revillame. Alam ko, bati na kami pero walang personalan. Dahil itong si Willie, kung makapanita ay daig pa ang management ng ABS-CBN. Bhuket?

Kitang-kita naman sa show ng Wowowee, ‘di ba? Ngunit wala naman tayong K mag-comment du’n dahil show niya ‘yun. Pero ang mukhang hindi na tama ay pati mga kagamitan sa station ay pinupuna na rin. Excuse me pow!
Ayon kasi sa aking parazzi girl ulit, kapag nanalo raw itong kandidato ni Willie ay mapapasakanila na ang buong istasyon at itong si Willie ang magpapalakad. Eh, paano na itong reyna ng Dos na si Kris Aquino? Out na?! Ha-ha!

Paano kung ‘yung kandidato naman ni Kris ang manalo? Eh, ‘di si Willie naman ang exit?! Ay, naku! Ang gugulo ninyo!

Bakit hindi n’yo gayahin itong si Gilbert Teodoro?! Relax lang at walang kaguluhan, walang exit, walang out! Lahat kasama… kaya TARA?!
Ha-ha! ‘Di ba, Mike Defensor?!

BLIND ITEM: SINO siya? Sino itong talaga naming napaka-yummy na actor at mukhang napaka-wild pa dahil pumapatol sa matrona este older woman?!

Ang chikka kasi ng aking parazzi girl na laging nakatambay sa mga bar dito sa QC, nakita raw nila itong hunk actor na may kasamang yaya! Ha-ha!

Siyempre joke lang! Sino ba naman ang hindi mananakawan ng atensiyon kung makita mo ang napakasarap na actor na ito? Ngunit mawawalan ka ng gana kapag nakita mo itong kasama niya na daig pa si Volta sa haba ng baba ngunit mapapa-‘wow!’ ka sa katawan. Mala-hipon ba ang drama? Ha-ha! Sa hitsura niyang iyon, walang dudang para siyang lintang makadikit dito sa jowa niyang yummy!

Ang chikka pa sa akin ay hard laplapan pa daw ang dalawa na akala mo ay nasa kuwarto lang ng isang hotel! Wah talaga silang keme sa mga taong nakakakita sa kanila! Naku, huh! Dahil ba wala na siyang masyadong career sa telebisyon ay dito siya sa mga bar gumagawa ng eksena?!

Sige du’n siya makipag-agawan ng espada ng panday sa mga bouncer ng matauhan siya! Ha-ha. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleCristy Fermin: Tampo lang daw kay Boy Abunda; galit naman kay Kris Aquino!
Next articleSipat-eklat: Melason, pinagsasawaan na?

No posts to display