Kris Aquino, mas godesa kumpara kina Ruffa at Gretchen?!

OLA CHIKKA! Thank God it’s Friday! Hindi ko man lamang namalayan na patapos na pala ang linggo! At dahil dyan ay nararapat lamang na pabaunan ko kayo ng kakaibang chismax to the maximum authority of chismis! At unang-una sa ating ulo-ulo ng mga balita ay itong mga pagkagagandang kakababaihan na mukhang tatalo sa kabayotic beauty ng inyong likod… naku, huh!

Simulan na natin ang chikka! Dahil nga sa isyung pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz, pumasok naman ang isyu sa kanila ni Gretchen Barretto kasabay ng pagpasok nito sa naiwan niyang talkshow. Hindi naman kagulat-gulat na siya ang ipinalit dahil tulad ni Ruffa ay talagang napakaganda ni Gretchen, parehas din silang matalino at higit sa lahat kontrobersiyal. Kaya hindi ko mapigilang ma-excite sa pagpasok ni Greta sa talkshow at makita kung mabebengga rin siya ni Tetay (Kris Aquino). ‘Di ba exciting?!

Si Gretchen, papasok sa The Buzz dahil lilipat na itong si Ruffa sa TV5 na dating pagmamay-ari ni Tony Boy Cojuangco. Eh, ano ba ni Greta si Tony? Matapos ni Ruffa, si Greta naman. Tingnan natin kung uubra siya kay Tetay. Ha-ha! Bonggascious!

Kaya naman hindi ko mapigilang mapagkumpara ang tatlo. Kaya nagtanung-tanong ang aking parazzi girl kung sino sa tatlong godesa ang talagang winner! At ang resulta… later na!

Kung kayo ang tatanungin… sino?! Sino muna sa kanila ang Pinakamaganda? Pinakamatalino? Pinakamanggagamit?! At
Pinakamalandi? Iyang apat na tanong na ‘yan ay talagang bida ang ating kontrobersiyal na mga godesa! O, game!

Ayon sa mga ka-ola chikka natin ay itong si Greta raw ang pinakamaganda. Noon pa man, kitang-kita naman dahil sa edad niyang iyan hindi halatang masyunda na rin siya. Pero, take note, ah! Siya rin daw ang pinakamanggagamit! Naku, huh! Bhuket? Ha-ha! Wag n’yo nang itanong!

Samantalang ito naman daw si Ruffa ang pinakamalandi, ayon sa survey ng ating parazzi girl. Dahil bata pa lang nakipagtanan na! Taray, ‘di ba?!

Naloloka na talaga ko sa mga intrigang ito at siyempre kung sino sa kanila ang pinakamatalino ay alam na natin ‘yan, si Kris Aquino daw!

Kaya kayo na lang mag-judge kung sino sa kanila ang talagang over-all godesa!
SOBRANG INIT NG mundo ng showbizness na mas mainit pa sa summer. Kaya ngayong summer ay magpalamig ng ulo at mag-relax kasama ang inyong pamilya lalo na sa mga busy na mommy at daddy na kailangan ng quality time para sa kanilang mga anak lalo na ‘yung mga newborn hanggang five years of age na bata.

Yes na yes! NEWBORN BABIES ay p’wede ring um-attend sa music class ng aking pinakamamahal na co-host na si

Michelle Junia. Siya ay nagtuturo at nagmamay-ari ng music school na franchised pa mula sa US, ang MUSIKGARTEN MANILA. P’wede kayong um-attend ng FREE TRIAL CLASS nila bukas ng umaga sa school niya sa Mandaluyong City.
Ito ay music class na kung saan si Mommy, Daddy at baby ay nagpa-participate sa mga activities na ginagawa sa klase tulad ng pagkanta, pagsayaw at marami pang iba na nakatutulong sa development ng brain ng kanilang anak. Bongga, ‘di ba!

Kahit new born may music class na! Dahil ito ay preparation para sa mas bonggang pag-aaral ng music pagdating niya ng five years old! At ‘pag nag five years old na sila at gusto pa nilang matutong kumanta, tumugtog ng piano, drums, guitar, violin, cello, flute, saxophone, at marami pang iba, p’wede silang mag-enroll sa STARDEV MUSIC SCHOOL na pag-aari
rin ni Michelle! Bongga, ‘di ba?!

Kaya para sa mas maraming impormasyon ay maaari silang tumawag sa 4706277 at 9801506 o mag-log on www.musikgartenmanila.com. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSipat-eklat: Sexy Star, ‘di feel ang pagkakaretoke ng boobs!
Next articleRichard Gutierrez at Aljur Abrenica, lusot na sa kani-kaniyang kaso!

No posts to display