Kris Aquino, manhid na sa mga batikos

Kris-AquinoNAKATUTUWA NA laging nangunguna ang mga artista sa pakikisimpatya at pagtulong sa mga nagiging biktima ng kalamidad. Tulad na lamang nitong nagdaang bagyong Yolanda na halos burahin sa mapa ang Tacloban, Samar, Leyte, ilang towns din sa Cebu at sa Aklan at sa Palawan.

As always, consistent diyan sina Angel Locsin at Anne Curtis na nagga-garage sale para kung magkano ang mabebenta ay ‘yun ang kanilang ambag, bukod pa sa sarili nilang pera.

Si Anne ay nangangalampag na manood ang mga kababayan ng kanyang show sa Midlle East at ang buong talent fee niya roon ay ido-donate niya sa typhoon victims.

Si Angel ay laging nakadikit naman sa Red Cross.

May sarili ring paraan si Kris Aquino para mangalampag sa kanyang mga kumpanya ng mga produktong ine-endorse niya. Sa “KrisTV” nga ay panay ang buhos ng tulong  at nakailang milyon ding hingi si Kris sa mga sponsor.

Kris-AquinoAng nakatutuwa pa, kahit hindi niya ine-endorse ang nagbigay ng donasyon ay ipino-promote pa niya sa televiewers na ito’y suportahan, dahil tumutulong sa oras ng pangangailangan ng mga kapwa Pilipino.

Ang nanay naman ni Daniel Padilla ay may sarili ring donation drive. Talagang thru Twitter at Instagram ay nanghihingi siya sa mga fans nina Daniel at Kathryn Bernardo para maipadala nila sa Tacloban, Leyte kung saan sa wakas ay nalaman na rin nitong buhay ang kanyang pamilya na naroroon.

Nagbebenta rin ng kanilang mga gamit sina Regine Velasquez, Aiko Melendez, Mirriam Quiambao at iba pa para ‘yung benta roon ay maipo-forward nila sa foundation na magdadala ng kanilang tulong.

Mag-i-stage pa ng concert ang mga Kapuso sa Zirkoh Morato at ang Kapamilya naman ay meron din sa Araneta Coliseum sa Nov. 16.

Actually, ilan lang sila sa mga nabanggit namin, pero marami pa rin, mapa-artista man o hindi ang talagang aware na aware na hindi ngayon ang panahon para isipin ang sarili lamang, kundi ang kapakanan din ng kapwa.

Mga Pilipino sa abroad, mga kapit-bahay na bansa ng Pilipinas, mga netizen sa social media, kung iisa-isahin natin ay baka kulangin tayo ng espasyo. Ang mahalaga ngayon, buhay na buhay na naman ang spirit ng bayanihan.

 

MARAMI NAMAN ang mga umeepal na netizen na bakit daw kailangan pang ipagmakaingay ng artista ang kanilang pagtulong? Ba’t daw hindi na lang tumahimik at kailangan daw ba talagang i-announce na tumulong ka? O kailangan ba, may kamerang nakatutok bago tumulong?

Simple lang ang katwiran namin dito. Ang sa amin lang, choice ‘yon ng mga tumutulong kung gusto nilang i-post sa Facebook, Twitter o Instagram ang kanilang paraan ng pagtulong o ‘yun mismong itutulong nila.

Naniniwala kami na sa ganitong paraan nakikita ng mga netizen o ng mga manonood ay mahihimok ang mga tao na mag-ambag din ng kanilang makakayanan sa mga biktima ng kalamidad.

Kung naiirita kayong ipinagmamakaingay pa ang pagtulong eh, ‘di i-unfriend n’yo sa inyong Facebook, i-unfollow n’yo sa Twitter at Instagram para hindi na kayo ma-highblood. Kani-kaniya tayo ng paniniwala, eh.

Kung ikaw tumulong at hindi ka sanay na ipagbanduhan pa ang itinulong mo, eh ‘di manahimik ka. Iba naman ang prinsipyo ng iba riyan kung ipinagmamakaingay nila, eh. Gusto nilang ipamulat sa mga manhid na, “Kami nga, nakapagdo-donate kahit ito lang, ikaw ba, me nagawa na?”

Kaya ‘yung mga tumitira ke Kris na ba’t daw kailangang i-post na nagbigay ito ng P400,000 ke Ormoc Congw. Lucy Torres-Gomez ay hindi naman siya ang nag-post, kundi ang mag-asawang Lucy at Richard Gomez, dahil sila’y natutuwa sa naging gesture ni Kris.

Buti na lang si Kris, manhid na sa mga basher at epal, kaya idinadaan na lang niya ‘yan sa pag-smile at patuloy na pagtulong. Habang ‘yung ibang bumabatikos sa kanya ay hanggang ngayon, nganga pa rin at hindi tumutulong.

‘Di ba? Kaya tumigil na kayo kung wala rin naman kayong silbi sa mga kababayan n’yo, okay?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

20 thoughts on “Kris Aquino, manhid na sa mga batikos

  1. hayaan na naten cla kung ipagbanduhan man nila ang pgtulong nila…ang mahalaga ay nkatulong cla…gya ni tetay ako inis akosa kaartehan nyang babaeng yan…pero pgdating sa pgtulong bilib din ako dyan…gya ngaun ng dahil sa knya super dami ng tumulong sa mga typhoon victims…sa kris tv evryday pumupunta dun mga ngdodonate laluna mga big companies na patalbugan nasa dami at laki ng dinodonate…gabundok naung relief goods sa warehouse ng abs at ngkulangan nanga cla ng space sa dami ng ngdodonate…sanalang maipamigay tlaga yan hnggng sa kahuli-hulihan sako at plastik ng donasyon…kc ang nakakatakot dyan pg wala ng nakabantay namga tao at media ebka dina ipamigay yan…gnundin sa ibang mga ngdonate sa oder stations…and laluna ungmga ibat-ibang bansa na ngdodonate ng pera na bllions naang inabot…kailangan wg clang mging kampante at ichchek nila kun tlagang ginagamit pra samga bikitma ung dinonate nila…kc kundi madami na nmang maibubulsa ang govt. at mga pulitikong matatakaw nyan…

    • hahaha hindi dahil kay kris kaya maraming tumolong sa sagip kapamilya. kasi naman ang hirap kay kris inaangkin nya. kahit hndi naman ginamit ang program nya marmi parin ang totolong at hindi dahil sa kanya. kaya maraming nagagalit sa kanya ngayon. umi epal sya!

  2. ikaw na krissy! isang magandang huwaran..magdonate na mga umaapila kay kris! d puro batikos wala namang binigay kahit ni kosing..hmmp _-_

    • nakakatawa ka naman anong akala mo sa mga taong nambabatikos sa ka bagalan nila. hindi nag donate? makapagsalita ka parang si kris lang ang nag donate. eh sa totoo naman na ang tamad ng kapatid nya at to the rescue lang sya. pero sobrang late na!

      • korek…hahahahha kundi pa nabatikos ng mga International Media ang kanyang Gobyerno, hindi pa magkukumahog ang kanyang Gobyernong, mala pagong,,por dies porsiento, yung mga report ng CNN at BBC, Gulf News ABC,at iba pang International News provider,,binabatikos ang kabagalan ng respond ng Gobyernong Pnoy..kakahiya sila….maging UN.nababagalan na. sampal ito sa AdministrastyongPnoy

  3. bakit hindi nabangit ni Ogie si Kim na nagbigay ng sako sakong bigas at kahon kahong tubig…very obvious talaga ayaw nya kay kim…

    • Sharon ikaw ba yan? Good for you and KC 15 million total at dagdagan pa sa kay willie, 10million. kayo na mga the salamat sa tulong. Okay yongmga nag ba bash ditto, instead na mag-awayan kayo, pumunta na kayo dun sa packing centers, kailanangan talaga nila yong tulong natin, kagaling ko lang dun sa red cross at ibang stations, grabe talaga, sumakit ang likod ko sa ka pack pero it is a good feeling to help dun sa mga nasalanta. Huwag na kayong mag away ditto, wala kayong nagawa, dun muna kayo tumulong at mamaya na yong mga childish na awayan nyo. Yong ibinayad nyo ditto sa internet café, I donate nyo na lang dun sa mga nasalanta. Every cent counts.

  4. Pingback: Kris Aquino, manhid na sa mga batikosLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  5. Naku mga tao ang hirap pakibagayan. Kasi damn if you and damn if you don’t. Pag I-announce, sabihin epal, pag di in-announce sabihin manhid at di tumutulong. Buti na yung I-announce para me nakakahawa effect. People will follow if big stars are in the forefront of giving. Rah rah rah for them, kasi malaking slice din sa kanilang pera yung mga donations nila.

    • Tama ka jan preciosarosa. Ang mga tao nga naman, sala sa init-sala sa lamig. Hindi ba sila natutuwa na marami ang nagtutulong-tulong para sa mga nasalanta ng bagyo kesa naman umupo lang sila at manood ng tv at mag criticize?

  6. nyahahaha.. kasi sabi mo diba ogie na lahat ng artista na nagbigay sa’yo kakampihan mo tama man o mali..nyahahaha mukhang pera ka kasi! tatakbi kaya si kris at boy sa 2016.

      • nyahahahaha yang Pamilyang Aquino ang hulog na sa Imburnal, yan naging worldwide tuloy ang kapalpakan ng Pnoy Admin…hahahah..thanks Anderson Cooper,,,maraming salamat sa iyo, kundi dahil sa iyo,,hangang ngayon ay kukupad kupad pa rin ang Pamahalaang ito,,,hahahah sensya na,,Abnoy ang napili naming Presidente,,,hahahah may Yellow fever kasi,,,hahahaha

    • onga! paki mo kung “tatakbi” sila!!ahhaha..bitter ang buhay mo..kulang ka sa pagmamahal..kawawa magulang mo at naging ganyan ang ugali mo..

Leave a Reply

Your email address will not be published.