Kris Aquino, malabong umalis ng Dos

1 Kris-Aquino Kris-AquinoAYAN NAMAN pala! Magri-renew naman pala ng kontrata si Kris Aquino sa ABS-CBN 2. Ang dami nang naglabasang kuwento na paglipat ng GMA 7 daw, eh wala naman palang ganu’n.

Nilinaw na raw ni Kris sa Instagram account niya na magri-renew pa rin siya sa ABS-CBN 2.

Wala naman daw pag-uusap sa GMA 7 pero nagpapasalamat daw siya sa malaking tulong sa promo ng My Little Bossings niya, at kaibigan naman daw niya karamihang taga-GMA 7.

Ang may offer daw sa kanya si Manny Pangilinan para sa TV5, pero hindi na nga natuloy dahil tuloy pa rin siya sa Kapamilya Network.

O, ‘di ba? Sabi ko na nga, eh. Malabo talagang umalis ng Dos si Kris kasi maganda naman ang career niya du’n, ‘no!

Alam ko bago matapos ang linggong ito ang balik nila ng Pilipinas, kaya sasagutin ‘yan ni Kris lahat.

So, wala na ‘yung balak nilang sitcom na My Little Bossings?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Kris Aquino, malabong umalis ng Dos

  1. Hindi lang yun, kung totoong nai-offer sa kanya ang position ni Charo pag sya ay nag-retire sa ABS-CBN, aba eh saan ka pa?

    • Hahahahaha putrizk I am wondering kung narinig nina, Sharon, Derek, Aga, Ruffa, Cesar, Marvin, Jolina at marami pa yong sinasabi na ayaw ni Kris na malaos dahil lang sa paglipat ng network. Sigi ka baka pag tripan ka nila hahahahahaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.