KRIS AQUINO, MAHILIG SA BAGETS?!

OLACHIKKA! NOW NA! Windang na windang ako kay Kris Aquino, huh! Ano kaya ang gusto niyang palabasin at tatlo ang lalaking ipinalit daw niya kay James Yap?!  Pero teka, bakit ipinalit? Hindi pa naman sila annulled, ‘di ba? Sabagay lahat naman daw ay ‘BFF’ lang niya.

Si Mayor Junjun Binay, best friends forever daw niya, eh hindi naman daw alam ni mayor na ‘BFF’ sila! Hahaha! Kalurkey!

At heto pa, ang gusto raw ni Tetay ay mga bagets! Hindi ba di-hamak na mas bata pa sa kanya na si Diether Ocampo na isa sa mga nali-link sa kanya. Kahit anong oras daw itong tawagan ni Tetay, madali niyang makaray. Ano ‘yan, may alaga siyang tuta? Gano’n?!

Si Ted Failon din daw ay BFF ni Tetay. Ang pagkakaalam ko, hindi naman talaga, kasi nga ay may gagawin silang talkshow. Paghahanda din daw ‘yan ng dalawa sa pagpasok nila sa pulitika. Natanong ko kasi si Tetay dati kung may balak ba siyang pumasok sa pulitika, ang sagot niya, “Yes!”

Pero kahit anong mangyari, kahit sampu pa ang lalaki ni Kris, ikakampanya ko siya. Kahit hindi niya alam ‘yan. May karapatan naman siyang sumuong sa pelikula, ‘di ba?

ANG KAPAL DIN naman ng fez nitong si Cristy Fermin sa mga pinagsasabi niya na hinabol-habol na raw nitong si Mr. Fu si Kris, eh inisnab pa rin?

Kahit sino ay may karapatan kung ayaw nilang magpa-interview, ‘no!  Kahit nga si President Obama kung hindi niya feel, puwedeng umayaw.

Ang nakakaloka pa rito kay Cristy, kahit ilang beses na siyang tirahin, manhid ang lola n’yo! Dahil totoo ang mga sinasabi ko? Hahaha!

BLIND ITEM: SINO ang nakakalokang mga si-ngers na ito na nag-show sa isang probinsIya at gumawa ng mga eksena roon?

Nagkulong daw ang dalawa sa dressing room na umabot sila ng dalawang oras? Ang tagal naman! Ano naman kaya ang ginawa nila doon? Hindi ko keri ‘yan! Sabagay matagal nang nai-isyu ang dalawang singers na ito.

Clue: Ang isa ay mataba na sa paningin ng mga tao. At ang isa naman, nagwo-workout para lang masabing may abs siya. ‘Kaloka!

For more chikka,  abangan na lang po ang aking programa kasama ang aking anak na si Lady Camille sa DWSS 1494khz,  Lunes-Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali. At siyempre, subaybayan pa rin ang aking programa sa DZRH 666khz, every Sunday 2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “KRIS AQUINO, MAHILIG SA BAGETS?!

  1. Paminsan-minsan ay nanonood ako ng juicy at nabubwisit ako sa kanila dahil sobrang maaarte lalo na si cristy fekmin na walang ginawa kundi ang magtawanan kahit hindi nakatatawa. At ung boses ni shalala, it's sooooo annoying.

  2. Go! Go! Go! Tita Swarding, turuan mo ng leksyon yong Crispy Pata na yan. Nakakasuka ang mukha dahil sa kaplastikan, nagpakalinis sa sarili, akala mo walang kasalanan. She has no right to comment on other artists as she herself is not fair at di ba nanalo si Annabel R sa kaso na inilampaso nya kay Shrek Fermin? The nerve with this old lady, kung pintasan man ni Shrek ang ibang mga artista, punta muna siya kay Dr. Calayan para ipaayos ang sarili nya. The nerve!!!!!

  3. MAGKAKASNDO YATA TAYO NGAYON SA ARTICLE MO TITA SWARDING…. WHAHAHAHA…. TAMA KJA RIN SA SINABI MO ABOUT SHREKTY VERMIN….

Leave a Reply

Your email address will not be published.