Kris Aquino, mahilig magpasakay

Kris-AquinoOKEY AT inamin na rin sa wakas ni Kris Aquino na si Quezon City Mayor Herbert Bautista at sila na.

Matapos ang ilang linggo (halos buwan din matapos ang kanyang kaarawan last February 14) ang mga pahulaan ni Kris at mga palipad-hangin at palutang kung sino ang present apple of her eye.

Kung maalala ninyo, noong mismong kaarawan niya, she declared that a suitor (‘yong foreigner ba?) dumped her for reason na sila lang ang nakaaalam na ang publiko at media ay wala rin alam kung sino ang guy sa drama na “very private” ang lalaki. Sige at sakyan na natin ang “Ang The Who sa Lovelife ni Kris Aquino” game show na pakulo ng Star for All Media. Ang suitor na ito na walang identity ay sinakyan ng publiko lalo na ng media.

After she was dumped, now comes the governor of Bataan na si Albert Garcia na nagamit pa ang pananahimik at pagiging pribado ni Tetay nang i-post nito ang picture nilang dalawa na after a while with the negative and not so nice comment about the governor, si Kris mismo ang nag-delete ng litrato nila sa kanyang Instagram account.

Papaano ba naman na sa init ng tag-araw ay kukulog at kikidlat ay magdadala ng baha kung magkatuluyan man sila dahil maging ang mga taga-Bataan ay kilalang-kilala nila ang governor nila and this can’t be.

Sa ilang saglit na pananahimik ni Tetay comes Daniel Matsunaga (in between yata ay pasulput-sulpot ito sa tsika ng paghahanap ni Kris ng “pag-ibig” at napapanood nga natin ang modelo na bulol magsalita ng Filipino sa kanyang morning show na Kris TV), na ngayon ay pilit pinasasakay ni Tetay sa kanyang morning viewers na magandang item sina Daniel and Erich Gonzales (who is romantically committed sa isang non-showbiz guy).

Sumingit si Derek Ramay na sumundo sa kanya sa airport kung saan galing siya ng Singapore. Sa Instagram nai-post ni Tetay ang picture nila ni Derek, pero hindi inabot ng tatlong araw at ang katotohanan ay lumabas din na si Derek ay hindi nanliligaw sa kanya. Mula sa kampo ni Derek, nahihiya sila sa kaganapan. Pero hayaan na lang, mileage din ito para kay Derek na kaya muli sila naging close (nagkasama sila sa isang TVC noon) ay dahil ay may business concern lang ang ama ni Derek kay Kris.

Dahil sablay ang Kris-Derek pasakay sa madlang pipol comes next at walang iba kundi si Mayor Herbert Bautista.

Kaysa mawala at mabura na naman tulad ng alikabok sa gitna ng daluyong noong Lunes nga ay inamin na ni Kris na sila na ni Mayor Bistek now called KrisTek (parang brand ng kropek).

Ang tanong ko lang, totohanan na ba ito o isa na namang pakulo? Pero last Tuesday sa advance 7th birthday party ni Bimby, may nakatutok na kamera kay Kris at James Yap and cry me a river ang peg ni Kris na humihingi ng tawad sa dating mister sa kung ano man hindi magandang namagitan sa kanilang dalawa.

Nagtataka lang ako, bakit kailangan pa ng camera? Bakit kailangan pang may coverage ang pag-uusap nila na dapat sana’y private? Akala ko nakiusap na si Kris sa pubiko (at sa media) na hayaan natin siya na i-enjoy ang nasimulang pag-ibig nila ni Mayor Bistek, but after less than 24 hours (noong Lunes around 10-10:30 in the evening siya umamin sa kanila ni Mayor, kinabukasan Tuesday may drama naman siya kay James) at heto ang ending. From Mayor Herbert biglang nag-emote si Kris at si James na naman ang subject ngayon.

I just wonder na matapos ipakilala ni Tetay si Mayor sa Kuya PNoy niya at sa mga kapatid na hopefully ay nangangarap na makatagpo si Tetay ng “tunay na pag-ibig”  sana ay walang sablay ito.

Pero ask ko lang, kumusta na kaya ang relasyon ni Mayor sa dating kinakasama na si Ms. Tates Gana na recently ay dumalo sila kasama ang bunsong anak na Harvey sa high school graduation rites ng panganay nila na si Athena. Nagsasama pa ba sila ni Tates? Ano kaya ang arrangement nina Mayor Herbert at p’wede kayang tawaging homewrecker si Kris the fact na may Tates si Mayor na alam niya. Ayaw mag-comment ni Tates. Maging ang kapatid ni Mayor na si Harlene, no comment at ayaw makialam sa lovelife ng kanyang Kuya.

Pero ang karma maka-sampung beses ‘yan babawi at kukuha ng mas malaking buwelo. Ang gulo ng sitwasyon, pero masaya. Sakyan na lang natin ang mga kaganapan.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Kris Aquino, mahilig magpasakay

  1. Ano ba iniisip ni Kris? Aalam nya na si Herbertmay kinakasama. May dalawang anak. Kawawa naman yong dalawang bata.
    Napaka-selfish niya. sarili ang iniisip na hindi man lang inisip ag sitwasyon ng dalawang ana Ni Mayor Herbert kay Ms. Tates.
    Hindi ito ang kasagutan ng pagigign desperate mo makahanap ng lalaking magmamahal sa iyo.
    Kawawa ang mga bata. Hindi ka na natakot sa karma Kris

    • nyahahahaha..’teka///bhukeet kayo nag re react agad..; sure ba kayo na Totoo nga yan…hahahha o baka pinapasakay lang kayo ng Kris TULONG yan..hahaha imagine from matatangkad na GUYS na na link sa kanya.. Alvin. Philip. Gabby. James etc marami pa sila…yung iba..pang delivery lang he he tapos mag kaka BF na isang medyo maliit ( hindi naman bansot he he kulang lang sa heaight hahaha ),,,huwag kayong pa uto sa babaeng yan

Leave a Reply

Your email address will not be published.