Kris Aquino, magbabago na raw!

Today is the moment! We mean… ngayong araw na ito ang moment ni Kris Aquino. Moment niya to talk with her big bosses sa ABS-CBN regarding certain career changes daw na plano niyang gawin.

Yes! Kris will still stay rito sa Pilipinas. Care niya kung sandamakmak ang nagku-comment sa iba’t ibang blogsites sa internet hinggil sa nasabi niya dati na if ever na manalo ang kapatid niyang si Noynoy Aquino sa pagka-Presidente at makasisira rin lang siya, by all means ay lalayas siya sa Pilipinas kasama ang dalawang anak at magtatrabaho na lang sa TFC ng ABS-CBN sa Amerika.

Ang pagkakaintindi kasi ng marami sa sinabi niyang iyon, lalayas siya sa Pilipinas kapag wagi si Noynoy. Eh, nanalo nga. Kaya may mga nagsasabing dapat ay mag-empake at magpa-despedida na si Kris at panindigan ang sinabing paglayas sa Pilipinas.

Sa paniniwala ni Kris, hindi naman daw siya nakasira kay Noynoy. At hindi naman daw sa pagiging mayabang kundi it’s a fact, nakatulong daw siya sa kapatid niya. At balak daw niyang tulungan ito in any possible way she can. For as long as gusto raw nito na tumulong siya.

At ‘yon na nga, kaugnay ng hangad ni Kris na matulungan ang elder brother niyang nakatakdang manungkulan bilang bagong Pangulo ng bansa, after June 30 (proclamation ni Noynoy), may mga programa raw na kailangan niyang i-give up.

It’s a sacrifice daw on her part. But it’s something, she’s willingly going to do for her family. Para rin daw ito sa peace of mind ng kanyang pamilya, para kay Noynoy, at para rin daw sa mga probinsiyang napangakuan niya ng tulong na ipaaabot ng kanyang kapatid, kailangan daw nga niyang magampanan ang tulong na iyon. ‘Yong boto at suporta raw ng sambayanan, isosoli raw niya ngayon sa pamamagitan ng serbisyo para sa bawat Pilipino.

Aminado si Kris, there are certain areas daw in her career that caused Noynoy difficulties. Alam daw niyang there are instances na meron siyang nasasabi na kawawa naman daw ang kanyang kapatid na magiging Presidente, na ito ang dapat managot. Kaya nga sinabi raw niya rito na she’ll give it up for him. At kung ano ang mga bagay na ‘yon, ipaaalam din daw niya lahat kapag nakapag-usap na nga sila ng management ng Kapamilya Network.

“But I intend to stay put,” sabi pa ni Kris. “Sorry, huwag n’yo muna akong paalisin. Sabi ni Noy hindi ako masamang tao.”

Last Monday, bumalik na si Kris sa pagiging co-host ni Boy sa SNN. Pero may pahiwatig siya sa staff ng The Buzz na parang iiwan na niya ang programa dahil sa sinabi niyang, “Let’s enjoy the next 6 weeks.”

“After June 30, there are many many changes na magaan po sa puso ko. I love this country. But more than that, I love my family.”

Sa plano ni Kris na pagtulong kay Noynoy, senyales kaya ito na she will be her brother’s ‘First Lady’ dahil wala pa ngang asawa ito?

Kung sakali, wala naman sigurong masama. Sabi nga rin ng Queen of All Media, it’s a different Kris Aquino raw ngayon. Talagang magiging maingat daw siya at maging ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya para walang maipintas sa isa man sa kanila.

And if only for that, let’s give Kris a chance.

MAINIT ANG NAGING pagtanggap kay Robin Padilla bilang guest host ng Wowowee. Mataas ang ratings na naitala ng mga episodes ng programa nang pumasok na siya. Hindi lang ang viewers, kundi pati ang mga regular female co-hosts ay talagang very warm at kinikilig pa sa pag-welcome sa action star.

Si Pokwang nga, parang gusto nang mangisay sa tindi ng kilig na nararamdaman. Nagbibiro pa nga itong gusto raw n’yang magkaanak kay Binoe.

Laking pasasalamat naman daw ng aktor sa naibigay na pagkakataon sa kanya na maging instrumento para sa kawanggawa sa pamamagitan ng Wowowee. Hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin agad ang alok na maging guest host ng nasabing show.

“Ako po ay nandiyan para sa taong bayan. At naniniwala po ako na napakaraming natutulungan ng show na ‘yan,” sabi pa ni Robin.

Ewan lang kung coincidence. Pero sa pagsulpot ni Robin as guest host ng Wowowee, balitang biglang fly naman si Willie Revillame for a vacation sa Macau. Na-hurt kaya ito dahil without his knowledge ay biglang bumulaga si Binoe sa Wowowee?  Ayaw niyang mapanood na parang nakakita na ng epektibong pamalit sa kanya ang ABS-CBN sa katauhan ng action star?

Kahit Bad Boy kasi ang image o naging tatak ni Robin, idol at mahal siya ng sambayanan. No wonder kung humahataw sa ratings ang Wowowee ngayong siya ang pansamantalang host ng programa.

Ano kaya kung siya na lang ang permanenteng ipalit kay Willie?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

58 thoughts on “Kris Aquino, magbabago na raw!

  1. TOTOO YON LOVE IT, , ,KINAWAWA NILA SI KORINA ,, TAPOS SI KRING KRING AKALA MO KUNG SINO MAGSALITA E PARANG HINDI SIYA NAGKASALA SA LIPUNAN, , , E KUNG SI RUFF G NUNG NASA D BUZZ KUNG BARAHIN AT PUNAHIN E AKALA MO NAPAKAPERPEKTO NYA, E BULOIK NAMAN SIYA ILAN BA ANG ANG KANYANG NAGING ANO , , , , , ,

  2. SO BE IT , , , TAMA KA NA NAMAN DIYAN ANG LAHAT NG SINABI NI KRINGKRING E NI ISA WALANG TOTOO LALU NA AT MALAKI PROBLEM NYA KAY JAMES , , ,E NSILA NAMAN TALAGA ANG NAGDIDIKTA KAY P NOY, , , SANA ANG BUHAY NA LANG NG MGA ANAK NYA ANG BANTAYAN NYA HINDI PURO SA MGA YAYA INAASA, , ,GINA,IT LANG NYA ANG LAHAT NG TV SHOWS NA KADIKIT NYA KAYA KONTING KIMOT E PA PRESS CON SILA, DAPAT PAREHAS ANG 2 TALAGANG SI KRINGKRING ANG PINAPABORAN KINAWAWA NILA SI WILLIE, ,

  3. RIVERHAWK , , TAMA KA KAWAWA NGA SI MAR AT KORINA , GINAMIT LANG SILA , , E MAS MAY KREDIBILIDAD NAMAN SI KORING , , TOTOTO NAMAN NA HINDI SI MAR ANG SINUPORTAHAN NG AQUINO SISTERS , KUNDI SI BINAY, KAWAWANG MAR TAPOS PANAY PA ANGDIKIT NI ROXAS E WALA NAMAN SIYANG MAPAPALA NA POSTA NA ANG ELEKSYON, , , TAKBO NA LANG BRGY CAPTAIN , , SURE WIN PA

  4. Paano naman yúng milyun–milyong bumoto kay Sen. Noynoy sa pag–asang pág nanalo siya’y agad, dagli’t biglang aalis ng Pilipinas si Kris Aquino? Maski siya na lang at maiwan sina Joshua, Beybi James, at James! Paano na po ang aming boto?! :( :cry: :(

    • Ang ikarimarim mo’y pág umaasta nang parang First Lady Imelda Marcos si Kris – at nagpupumilit bumunghalit ng iyak hwág na hindi makapagpapansin! :lol: :mrgreen: :lol:

  5. pinasalamatan ni kris ang mga tarlakenyo na bumoto kay noynoy. Sabi niya ay siya ang bahala sa kanila. Akala ko ba eh hindi siya makikialam sa pamamalakad ng kapatid niya, dun lang ay huling-huli siya. Such a liar!

  6. SA NANGYAYARI NGAYON ANG MAS NAKAKA AWA AY SI CORINA, AKALA NYA MAGIGING FIRST LADY NA SYA…. NILUNOK NYANG MAGING SECOND LADY KAYA LANG NAGING THANK YOU GIRLS NA LANG PATHETIC.

    MAHIRAP TALAGANG MANGARAP NG GISING.

  7. hay nako tamang tama ang tandem na vicki and kris- mga babaeng makakati!!! mapera lang kayo, pero immoral naman!!! mga biatch!

  8. magtiis kayong mga ampalaya, kris will stay at magngitngit na lang kayo diyan sa tabi tabi..

    robin for wowoweeeeeeeeeeeeeeeeee

    • ulol! yang iniidolo mo walang kwenta yan! masamang ehemplo. kaya nanalo kapatid niyang sira patunog dahil sumakay sa popularity ng magulang nila at pati kasosyalan niya sinakyan.

      sabihin mo, ano kainggit inggit kay kris? yung pagiging makati nya na kahit may asawa pinapatulan?!? tarantado ka pala eh. siguro makati ka rin! BOBA!

      • mas BOBA ka TANGA! talagang popular sila wala kang magagawa, manginig at mamatay ka na lang diyan sa galit HUNGHANG!

  9. Never magbabago yang babaeng yan. Mas lalo pang magyayabang at magiging pakialamera yan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Tingnan na lang natin kung di siya matukso sa limpak limpak na salaping dadaan sa kamay nila ngayong pangulo na si Ngoyngoy. Anti-corruption my ass!

      • Bilyonarya na pala siya, ha? Kelan pa? Ang presidente, bilyon ang budget kaya yun ang sinasabi kong pera. Kung buang ako, ikaw naman tutang tanga. Kung di mo matanggap ang mga komento tungkol sa idol mo, wag mong basahin. Karapatan kong magsulat ng gusto kong comment dito. Payo lang para sa mga katulad mo, mag-aral ka muna ha para marunong ka mag-isip, hindi yung nagbubulag-bulagan ka sa ugali ng idolo mong taklesa at saksakan ng yabang! Ikaw ang nuknukan ng tanga, mali-mali pa nga spelling mo, che!!!

    • PARANG PINATATAMAAN MO SI MANNY VILLAR. HINDI NA MAHAHAWAKAN NI MANNY ANG KABAN NANG BAYAN. TALO NA KASI. SORRY NA LANG KAY GLORIA AT WILLIE NA UMAASANG MANANALO ANG MANOK NILA PARA MATUPAD ANG KANILANG PANGARAP NA MAGING TRILYONARYO AT PRIME MINISTER. . .

  10. kris.. stay ka lang dito sa pinas…

    mas lalo kang kailangan ng kapatid mo.

    buti nga na andito si kris eh, sa sobrang pagiging taklesa nya, maisisiwalat nya kapag may anomalya sa administrasyon ni noynoy.

  11. hoy yung mga pa english english dyan simple english lang yung snabe ni kris d nyo naintindihan LOLZ.. pakibasa po ulet yung about sa leave leave the country na yan n try to understand it ..hihihihihihihihI ..maniniwala sana akong hindi nyo naintindihan kung malalim na tagalog ang comment nyo LMFAO!!!

    • Haaa??? Ano ikamo pinagsasabi mo? Inday, doon ka sa laundry area maglaba ka na lang. Huwag mo pakialaman komputer ng alaga mo!

    • At saka basahin mo uli comment ni mahaderako pagkatapos mong maglaba, intindihin mo stupida…wala ka talagang ka sense sense of humor! Ihiwalay mo ang puti sa dekolor, maliwanag? Hmp!

      • Basahin nang paulit ulit LOL ..n what sense of humor?? U Mean NONSENSE?? i THINK ikaw UN =) Basahin Ulet LMFAO

      • OPO SENSE OF HUMOR AT HINDI COMMON SENSE, YUNG COMMENT NI MAHADERAKO AY ISANG PATAWA NA ANG FIRST MEMBER NG KRIS DESPEDIDA AY ANG MISMONG ASAWA NIYANG SI JAMES YAP. NAINTINDIHAN NIYO NA? MGA TANGA! PSYCHOLOGY KA NGA PALA, SAAN? BAKA PSYCHOLOGIST BOBA! BAKA SA MGA ABNOY KA PASYCHOLOGIST! LOL! LOL! ULOL!

  12. O siya magbago ka na, tagal na namin naririnig yung pagbabago na iyan. trabaho na at wag puro press release. Galingan niyong magkapatid ha, isama niyo pa si Boy Abunda na naghihintay ng posisyon sa gobyerno, at wag kalimutan si Ai ai bestfriend mo iyan, ang saya saya siguro manood ng circus sa gobyerno.

  13. Remember Kris Aquino’s promise that she would leave the country with her kids if Noynoy would win and she would cause stress for him? Well, after Noynoy posted a huge lead in the election tally, a Facebook group called “Kris Aquino’s Despedida” emerged, and has since been asking Kris to live up to her promise. Guess who was its first member? James Yap.

    • hindi ka lang mahadera boba ka pa isama mo na rin yung mga SLOW sa pinas :) intindihin mo yung snabe nya BOBA :P

      • Ikaw ang boba! Naintindihan mo ba ang comment niya? Kung di ka ba naman ubod ng tanga. Basahin mo yung dulo ng sampung beses baka sakali ma gets mo. O ano? Di mo pa rin gets? TANGA KA NGA!

  14. naaawa po ako sa naging kapalaran ni senator mar roxas,dati sya dti secretary tapos senator at kilalang kilala sa buong bansa paanong tinatalo ni mayor binay ng makati?mas popular po ba mayor sa senator? kasi po ang labanan sa halalan sa pilipinas e by popularity so paano po kaya nangyari?

    • MASYADO KA NAMANG INOCENTE. HINDI YUN KUNG SINO ANG MAS POPULAR KUNDI KUNG SINO ANG DINAYA. SI MAR TINAKSIL NG MGA AQUINO. HINDI ALAM NI MAR NA SI BINAY PALA ANG KINAKAMPANYA NG MGA AQUINO.

      • Naku korek na korek ka diyan. Talagang nasulot si Mar Roxas at mga taga Liberal party mismo ang nang-traidor sa kanya, kasama na mga kapatid ni Ngoyngoy. Mas madali kasing gumawa ng kalokohan sa gobyerno kung kaalyado ng pamilya nila ang VP. Di ba malapit na malapit si Binay kay Cory kaya naging mayor ng Makati yan. Kita nyo di na umalis mula pa ng 1986, palit palit lang ng asawa at anak niya. Tingnan natin ngayon kung anong ipagmamalaki ni Ngoyngoy tungkol sa laban niya sa corruption e mismong VP niya e corrupt!

    • At may lumabas na balita, may mga PCOS machine na naka-program na. So posibleng may dayaan. Scary eto ha…kawawang Pinas.

    • ANG MAS NAKAKA AWA AY SI CORINA, AKALA NYA MAGIGING FIRST LADY NA SYA…. NILUNOK NYANG MAGING SECOND LADY KAYA LANG NAGING THANK YOU GIRLS NA LANG PATHETIC.

  15. SOMOBRA NA NGA ANG OA MULA NG LUMAMANG YUNG KAPATID NIYA. SANA HUWAG PURO SATSAT NA AALIS. UMALIS NA LANG SYA.

  16. AKO DIN KILIG NA KILIG KAY ROBIN WAGGGGGGG NA NINYONG ALISIN.ANG GALING GALING NIYA DOWN TO EARTH PA

    • I know Ampogi ni robin :X
      At sa isa dyan na SENSE OF HUMOR(palusot pa eh!) daw pakibasa Ulet Please para sayo na rin :) =)) para sa ikabubuti nang ga lamok mong UTAK kung meron man :D

  17. ANG BRUHANG KRIS ANG SARAP NG BUHAY..FIRST LADY NA SIYA NGAYON KAYA ANG DAMING NAIINGGIT

    • ulol. di yan pwede maging first lady dahil kapatid lang yan. magbasa basa ka nga ng wikipedia. tanga tanga mo. bobo

      • hmmm hindi kaya si swardita ay si swarding, lolit, or christy?!?! very obvious na galit at inggit kay kris :P

Leave a Reply

Your email address will not be published.