Kris Aquino, korning komedyante ang bagong co-host sa morning show

1 Kris-AquinoBAKIT? SIYA na Raw ang bagong co-host ni Kris Aquino. Si Ramon Bautista na diumano ang makatutuwang ni Tetay sa kanyang morning show na Kris TV. Porke’t balik-eskuwela na ang anak na si Bimby (na co-host ni Tetay nitong tag-araw), nagbabalak ang executive producer ng show niya na kunin ang serbisyo nitong si Ramon.

Sa totoo lang, nakokornihan ako sa humor nitong si RB. Ewan ko kung ano nakita ni Tetay kay Ramon na may sariling mundo sa klase ng humor niya na siya lang ang natatawa, gayong ang galing at mas natural ng sundot at pakuwela ng mga regular co-host (guests) ni Kris tulad nina Pokwang, K Brosas, Erich Gonzaga, Kim Chiu, at ang buong barkada na mas relax at entertaining na mapanood natin tuwing umaga.

Early riser ako. Kahit puyat the previous night, maaga pa rin ako nagigising. Kadalasan, mga pasado alas-singko ay gising na ako at simula na ng TV viewing habit ko tuwing umaga ang panonood ko ng morning magazine show ng Kapamilya Network nina Amy Perez, Bernadette Sembrano, Anthony Taberna, George Cariño, Ariel Ureta, at Winnie Cordero.

Kasunod ng balita at samu’t saring mga kuwento at features ng morning show, kasunod nito ay ang pagaabang namin ng show ni Kris.

Mas interesting ang mga food trips and review ni Tetay at ng mga guests niya. Ang mga biyahe niya kung saan-saan na parang bumiyahe ka na rin at kasama siya sa iba’t ibang mga lokasyon sa Pilipinas at sa labas ng bansa.

Sa totoo lang, I don’t enjoy watching ang mala-concert na episode nila na walang bago, dahil napapanood ko naman ang mga singers na guest niya na nagpe-perform sa ASAP.

Aliw ako kapag nagluluto si Kris at ang mga guests niya at si Darla Sauler ang taster niya. Enjoy ako sa mga restaurant review niya together with her guest na enjoy na enjoy sa kanilang kinakain.

Now si Ramon Bautista who’s very corny at never kong nagustuhan ang istilo, sundot, at opinyon niya, magiging co-host ni Tetay sa umaga. I’d better watch CNN or ANC kaysa mabuwisit ako at magsayang ng oras or better, balik tulog na lang.

Yesterday morning, may short segment si Tetay na iniinterbyu niya ang hitad na kahit naka-on cam nagte-text siya at walang POV. In short walang pakialam sa kausap. Nang magbitaw ito ng “hugot line” na akala niya cute, isa lang ang reaksyon ni Tetay, waley!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleHayden Kho, gusto na ring makipag-ayos kay Maricar Reyes
Next articleMaja Salvador, sinorpesa ni Janice de Belen sa premiere ng pelikula

No posts to display