Kris Aquino, kapamilya pa rin

3 Kris-AquinoBINASAG NA rin ni Kris Aquino ang kanyang pananahimik kasabay ng kanyang pagbabakasyon sa London nang mag-post siya ng log ng ABS-CBN kasabay ang kanyang statement (sagot) sa mga kaliwa’t kanang mga haka-haka kung lalayasan nga ba niya ang Kapamilya Network gayong nakipagtagpo siya kay Manny Pangilinan nang dalawa beses para sa offer ni MVP sa kanya na lumipat sa istasyon nito na TV5.

Nilinaw ni Tetay na wala siyang nakausap sa GMA 7. Nakakatawa, sino kayang ungas ang nagpakalat na may niluluto ang naturang istasyon na ito with Tetay.

Sa kanyang IG account, hayagan ang pasasalamat ni Kris sa Kapamilya Network, sa mga big bosses nito tulad nina Mr. Gabby Lopez, Ms. Charo Santos at Ms. Cory Vidanes sa suporta sa kanya sa simula pa lang nang lumipat siya sa kuwadra nila. Sa malinaw na salita, pumirma muli si Kris ng kanyang kontrata sa istasyon na nagbigay sa kanya ng importansya.

Diretsahang pahayag ni Kris sa kanyang Instagram: “Because of your support (ABS-CBN Network and her televiewers) I get to continue a job I love & I am also able to provide well for Kuya & Bimb… From my heart, MARAMING SALAMAT KAPAMILYA!!!”

Now, sino’ng may sabi na si Kris mukhang pera para ipagpalit ang pag-aaruga sa kanya ng ABS-CBN?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Kris Aquino, kapamilya pa rin

Leave a Reply

Your email address will not be published.