Kris Aquino, kalmante lang sa paghaharap nila ni James Yap

MABUTI NAMAN at nagtagpo na ang dating mag-asawa na Kris Aquino at James Yap sa korte noong nakaraang Lunes para i-settle ang isyu tungkol sa visitation rights ni James bilang ama ni Bimby.

Sa mga TV interview kay Kris, na napanood namin noong Lunes ng gabi sa mga news program, tila kalmante siya habang ibinabalita na nauwi sa magandang pag-uusap ang napagkasunduan nila ng dating asawa.

Tama lang para sa kapakanan ni Bimby, dapat lang nilang ayusin ang sigalot.

Ang impresyon kasi ng marami, maraming demand ang Queen of All Media na halos ayaw na nitong ipakita ang anak sa ama na kahit saan mo an tingnan ay hindi naman fair para kay James.

Kung sa bagay sa mga previous interview kay Kris, lumalabas na si James ang pabaya. Kung hindi ba naman, gawin malaking isyu ang naudlot na bonding ni James at Bimby noong nakaraang Father’s Day gayong wala si James sa bansa at nasa bakasyon sa Europe kasama ang girlfriend nito (almost one year na sila ng Fil-Italian girl) na pinalaki at ginawang isyu ni Tetay.

Pero noong Lunes, bukod sa kalmante si Kris at walang panisisi sa dating mister matapos ang closed-door conference nila kasama ang kanya-kanyang mga abogado sa sala ng judge na may hawak; cool na cool si Tetay habang pinagkakaguluhan ng media.

Si James naman, “no comment” lang ang sagot pero masaya sa naging pag-uusap.

Bukod sa isyung visitation rights niya kay Bimby, happy ang basketbolista dahil na enjoy niya ang almost a month vacation niya with his new girl.

Ngayon na hindi na isyu ang pagbisita niya at kagustuhan na maka-bonding si Bimby, aminado ang cagestar na hindi pa panahon para ipakilala niya sa anak ang bagong girlfriend nito.

I just wonder kung nagpaalam si Kris kay James (bilang ama) na ang anak na menor de edad ay magso-showbiz at isasalang sa unang proyekto ng anak sa MMFF entry ni Bosing Vic (Sotto) at Kris sa darating na December for the film Torky and My Little Bossing.

 

ALL-STAR CAST ang bagong teleserye ng Kapamilya Network na sisimulan na next week. Kung hindi ako nagkakamali, ang Muling Buksan ang Puso  ang ipapalit sa pagtatapos ng Apoy sa Dagat this Friday.

Mantakin mo, bukod sa prime talents ng ABS-CBN na sina Enchong Dee (call him Kapamilya’s latest favorite); Julia Montes at Enrique Gil, kasama ang mga beterenang sina Susan Roces , Pilar Pilapil, Agot Isidro at Cherie Gil.

I just wonder kung bakit nag-backout si Amalia Fuentes sa project na supposed to be ay ang role niya ay napunta naman kay Pilar na sa totoo lang is a much better actress (marunong ‘di hamak umarte si Ms. Pilar kaysa kay Ms. Amalia na milya-milya ang agwat).

I think it’s not the role as a “peasant” ang isyu ni Madam Amalia. I’m sure it’s her insecurities that she’s not an actress at matatalbugan siya ng very Regal at Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan?

Hope this teleserye will be interesting for the viewing public.

On Enchong, Julia, Enrique, Cherie and Agot’s turf, alam naman natin that they are good performs, kaya no issue.

Malamang, ito nga marahil “acting” issue ang puno’t dulo sa pag-back-out ni Ms. Amalia. Hindi kaya?

On the other hand, Enchong as ABS-CBN’s current favorite star; we will write about this on Friday. Abangan!

 

NICE TO learn that Giselle Toengi is now a Disc Jockey over 95.5 RT every weekdays starting at eight in the morning with professional DJ Nikko as her co-host.

She started a new career as a talk-music DJ last Monday and was excited with her new job aside from being a performer on television, stage and the movies.

G or Giselle(to fans) emailed us on FB and was proud to share her experience on the air reading the latest and hottest news and at the same time keeping company listeners who are on their way to work.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Kris Aquino, kalmante lang sa paghaharap nila ni James Yap

  1. Hoy ! Yap nung magharap sana kayo ni Sinto sintto sinama mo sana yung GF mong Italiana,, Para magmukhang tindera sa Ongpin yan dati mong asawa kuno. Ha ha ha ha ha ha ha ha ha 

    • hak hak hak, omayyygush,,asawa ba talaga ni kris si James, saang bahay kinasal sila? sa bahay ni Boy Abunda, sinong witness? si Boy abunda, sinong ninong at ninang? si Boy Abunda. sinong nag kasal? kilala ni Boy abunda, kaya ang susi sa misteryong yan ay si Boy Abunda

Leave a Reply

Your email address will not be published.