Kris Aquino, iwas-pusoy na sa mga intriga!

Iwas-pusoy na muna sa mga intriga si Kris Aquino dahil matapos ang kanyang meeting kasama ang mga boss ng ABS-CBN, napagdesisyunan nito na pansamantala munang mag-leave sa kanyang mga talkshows na kinabibilangan ng SNN at The Buzz.

Sa June 25, 2010 ang kanyang huling episode sa SNN at sa June 27 naman ang kanyang huling appearance sa The Buzz, ilang araw ito bago manumpa ang kanyang kapatid na si Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansa.

Ginawa ito ni Kris bilang sakripisyo para sa kanyang kapatid na uupo sa pinakamataas na posisyon sa bansa. At dahil nga sa tanggap na niya ang kanyang pagiging natural na taklesa, iwas na siya sa mga pagbibigay ng mga komento at kung ano man sa mga talkshows. Tatakbo pa hanggang Agosto ang kanyang teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo at pagkatapos noon, bibigyang-daan naman niya ang kanyang pangako sa dalawang anak sa kanilang Disneyland trip.

Pagdating naman ng Setyembre, magsisimula nang ilatag ang kanyang mga bagong shows sa ABS-CBN. Nilinaw naman ni Kris na hindi niya iiwan ang showbiz. Magpapaalam lang siya sa mga talkshows pero puwede pa rin siyang lumabas sa mga teleserye, mga game shows, talent shows at ang kanyang matagal nang pinapangarap na lifestyle at travel show.

Sa totoo lang, magandang move ito sa bahagi ni Kris, na siya na rin mismo ang nagkukusang gumawa ng paraan para makaiwas sa mga maaaring makasakit o makapag-bigay ng sakit ng ulo sa kanyang kapatid. Alam naman nating lahat na napaka-kontrobersiyal ni Kris at kahit anong lumabas sa kanyang bibig ay binibigyang kahulugan ng maraming manonood. Kaya, iwas-pusoy na lang!

Siya na nga ang magiging “The First Sister” ng kapatid na si Noynoy at mukhang hindi lang sa showbiz natin mararamdaman ang presence ni Kris dahil pati sa mundo na pulitika ay makikita na rin siya! ‘Di na kami magtataka kung sa 2013 o 2016 e, tumakbo na ng tuluyan sa gobyerno itong si Kris!

PATI ANG MGA showbiz personalities na nanalo noong eleksiyon ay todo na rin ang paghahanda sa kanilang mga posisyon sa gobyerno. Tulad ng mga first timers na sina Roselle Nava, Monsour del Rosario at Gian Sotto.

Ayon kay Roselle, hindi naman niya tutuluyang tatalikuran ang showbiz pero may mga priorities lang siyang gagawin. Ang kanyang mga proyekto naman ay sesentro sa culture and the arts sa kanyang distrito sa Parañaque, kung saan magagamit niya ang kanyang exposure at expertise sa sining.

Ganoon din si Monsour del Rosario, na siya naming magpo-focus sa youth and sports development.

Good luck sa inyong lahat, ha?! Sana ay makapagsilbi kayo nang matuwid at matiwasay sa bayan!

loading...

18 thoughts on “Kris Aquino, iwas-pusoy na sa mga intriga!

    • i agree.. loosers ang mga nagcocomment karamihan dito.. mal edukado and everything… u should all get a life.. wag ung puro inggit kay kris inaatupag niyo.. intendez?

      • Baka kayo ang mahimatay at mamatay sa stress kaka defend kay Kris at pakialam sa mga komento ng iba. Hala ang mga puso niyo, paki ni Kris kung ano mangyari sa inyo! Hahahahaha! (tawang kris) Mas kawawa kayo promise

  1. PUTANGINA KA KRIS,sakim sakim gahaman,katulad ka ni VICE gANDA..Bakla..mamatay na ang lahat ng bakla sa mundo..salot kayong mga bayot.hahaha

  2. AALIS SI KRIS SA SNN AND THE BUZZ??? NOTHING IS NEW, GANYAN NAMAN YAN SI KRIS, SAKIM. HALOS LAHAT NG NEW SHOWS SA ABS GUSTO KANYAHIN. SABAY-SABAY PA. TAPOS PAG MEDYO PINAGSASAWAAN NG PANOORIN NG TAO AT MAY BAGONG PROGRAM IIWANAN NIYA YONG IBA, DOON NA NAMAN SIYA SA BAGO. TANDAAN NINYO, PAGBALIK NIYAN IBA NA NAMAN ANG SHOW. SAKIM KA KRIS. IMAGINE PAG SABAY-SABAYIN MO ANG APAT NA PROGRAMA SAMANTALANG YUNG IBA WALA. ABS-CBN, BE FAIR. SUKANG-SUKA NA ANG MGA TAO SA KAARTEHAN NI KRIS. IBANG MAGANDANG MUKHA NAMAN. ANG DAMING MAGAGANDA. HUWAG NA YUNG MUKHANG MATRONANG HINDI NAARAWAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.