Kris Aquino, inamin na si Herbert Bautista?

Kris-Aquino-FamilyTILA INAMIN na ni Kris Aquino na sila na nga ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Nag-post ng Instagram photo si Kris recently with “family dinner” as the short caption.

But what surprised netizens is the fact na kasama si Mayor Herbert sa family dinner. Nakaupo pa siya sa kabisera, ang pinakaimportanteng seat sa dining table.

Kasama ni Kris ang kanyang buong family, naroon si President Noynoy Aquino at mga kapatid niya. Present din sina Bimby at Josh.

With the Instagram photo ay marami ang na-curious kung magdyowa na nga ba sina Kris at Mayor Herbert. Marami tuloy ang nag-iisip na true nga ang chikang may relasyon ang dalawa.

NAIMBIYERNA RAW si Cherie Gil dahil sa papalit-palit ng script sa soap opera nina Kim Chiu at Coco Martin. Iyon daw ang dahilan kung bakit siya nag-walkout.

Nawiwindang na raw kasi ang Dos dahil hindi masyadong kinakagat ang tambalan nina Kim and Coco, hindi click ang kanilang loveteam. Sumasadsad na nga raw ang rating ng teleserye nila dahil nagiging pangit na ang mga eksena.

Si Coco, according to some observers, looks old para kay Kim. Si Kim naman, napansin ng marami na hindi pa rin makaarte nang tama, wala pa ring brilyo sa acting.

Ang chika pa, natataranta na ang Dreamscape dahil pababa na nang pababa ang rating ng teleserye ng tinagurian nilang Primetime King na si Coco at Primetime Princess na si Kim. Tinatalo na sila ng kalabang soap ni Marian Rivera kaya naman doble kayod sila para mapaganda ang mga eksena.

Actually, hindi na pinag-uusapan sina Kim at Coco ngayon, walang init ang kanilang tambalan. Maski na ang sinasabing halikan nila sa teleserye ay wala pa ring dating.

Kasi naman, kasingluma pa ng sinaunang movies ang tema ng soap opera nila about a haciendero’s daughter na umibig sa isang simpleng manggagawa. Pinaglumaan na ‘yan, ‘no! Wala nang bago sa ganyang kuwento na walang kuwenta.

Ayaw naming isipin na PALAOS na si Coco pero tila hindi na siya talaga click ngayon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleCristine Reyes, inilabas na ang boyfriend
Next articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 47 April 07 – 08, 2014

No posts to display