Kris Aquino, imposibleng gawing ‘private’ ang bagong relasyon

2 Kris-AquinoDUDA KAMI sa pronouncement ni Kris Aquino when she decreed in a recent interview na ‘yun ang una’t huling pagkakataong magsasalita siya tungkol sa kanilang relasyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Her declaration na kesyo “We want to keep it private” is very un-Kris. Si Kris pa ba ang aasahan nating mag-a-uphold ng sanctity of privacy as regards her personal life when she’s her own publicist?

To say she wants to keep things private belies the public image that Kris has created herself. Sa mga nakalipas na kabanata ng aklat ng kanyang buhay-pag-ibig, she has been the cunning author who openly sold copies of her book like a public auction.

Ito ang isang aspeto ni Kris that we cannot stop her from doing, at the very least from posting on her social media account.

A woman who is in love is driven to do even more. And for now, ang kuwarenta’y tres anyos na si Kris feels like she’s not yet way past her teenage life who giggles and shrieks at the sight of a handsome crush.

Maloka tayo kung tubuan ng tigyawat si Kris sa mukha, and she attributes that tiny, red pimple to Herbert.

 

TATLONG KAPUSO leading ladies at isang inang parang nagluwal sa kanila battle it out for the half a million peso-jackpot prize in ths Saturday’s exciting edition of Picture! Picture!

Sila’y sina Carla Abellana, Rhian Ramos at Andrea Torres with Startalk host Lolit Solis.  With the latter in the game, expect Ryan’s original game show to be an extension of Startalk sa kanyang pang-iintriga lalo’t of the three younger women—Carla, Rhian and Andrea—ay si Carla ang hottest item of late with her breakup with Geoff Eigenmann.

Also, asahan na rin ang kapana-panabik na tarayan, pagmamakaawa para hindi ma-kick out, sumbatan na mauuwi naman sa pagpapahalaga sa pagkakaibigan at pagmamahalan.

Maiuwi na kaya ang pinakaaasam na kalahating milyong piso? Abangan ngayong Sabado, alas sais ng gabi, ang Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo after GMA weekend news.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Kris Aquino, imposibleng gawing ‘private’ ang bagong relasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.