Kris Aquino, imposible nang makipagbalikan kay James Yap! *new*

NGAYONG ARAW ANG panunumpa ni Noynoy Aquino bilang bagong pangulo ng ating bansa pero ang inaabangan ng karamihan ay kung dadalo ba si James Yap. Kung sakaling dumating ito, magtatabi kaya sila ng puwesto ni Kris Aquino?

Nakakaloka si Kris, ‘di ba? Moment lang sana ito ng kapatid niyang nahalal na pangulo ng ating bansa pero talagang tatalbugan pa niya ito ng eksena. Without really trying, siya pa rin ang pag-uusapan, ka-share si Pres. Noynoy. Nakakaloka!

Maraming mga kuwentong naglalabasan na dahilan ng hiwalayan at mukhang may bahid naman ito ng katotohanan. Pero tingin ko riyan, naipun-ipon na lang talaga dahil mukhang matagal na itong pinagdaanan nila, pero sinisikap pa rin nilang maayos.

Ang hindi lang natin alam, anong bagay ang nagpainit lalo ng kanilang problema hanggang sa sumuko na si Kris.

Inaayos na raw ngayon ang legalidad ng kanilang paghihiwalay kaya naniniwala akong malabo nang maayos iyan.

Kilala ko si Kris, eh. ‘Pag sinasabi nitong “it’s over” talagang “it’s over!” Nangyari na ‘yan dati kay Phillip Salvador, kay Joey Marquez at sa iba pang boyfriend niya pero talagang hindi na nito binabalikan.

Ang naalala ko lang nu’n na nakipagbalikan siya, kay Alvin Patrimonio, pero sandali lang din ‘yun. Kaya talagang tuluyan na ‘yang hiwalayan na ‘yan.

Ang hinihintay na lang ngayon ay ang pagsasalita ni James. Alam ko, nag-uusap sila ni Ricky Lo at baka pagbigyan niya ito ng interview pero hindi pa sure ‘yan kung ready na siya.

Pero kung sakaling magsasalita na si James, gagamitin din kaya niya ang linyang “suko na ako”?

MABUTI PA SINA Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, nagkasundo na pala sila at finally, nakita na rin ni Patrick ang anak niyang si Alex Jazz.

Masaya nga raw ang birthday party ng anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer dahil dumalo si Jennylyn dala ang anak nitong si AJ at ang Mommy Lydia niya.

Nandu’n si Patrick na kararating lang galing Australia kaya masaya raw silang lahat at naglitratuhan pa ngang magkasama silang tatlo.

At least happy na sila at masasabing kumpleto na si Alex Jazz dahil nakilala na nito ang tunay niyang ama.

Nakita nga raw roon sa party na seryosong nag-uusap sina Mommy Lydia at ang Mommy Bing ni Patrick. Parang kinalimutan na raw nila ang lahat at okay na sila ngayon.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong ito dahil sinisikap naming magsalita sina Patrick at Jennylyn tungkol dito.

Iniiwasan lang kasi ni Jennylyn na magsalita dahil baka isipin pa raw ng iba na kaya ginawa niya ito ay para mapag-usapan lang. Iniiwasan niya kasing gawing showbiz issue pa itong pagkakasundo nila ni Patrick. Mas gusto niyang very private lang talaga ito at sila-sila na lang ang nagkasundo na wala sa harap ng media.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

25 thoughts on “Kris Aquino, imposible nang makipagbalikan kay James Yap! *new*

  1. Pasingit po.
    Ref.: Vice Ganda : Days ago sa Showtime, lumabas natural ni Vice, sobrang binaboy niya Davao Crew sa score, dahil obviously, gusto niyang manalo Iloilo Crew (malaki lagay?). Imagine lahat 10, isa 9 score lahat and excellent comments ng lahat jurado except Vice, SHOCK LAHAT, binigyan niya ng 6 ang kawawang mga taga Davao pa naman. Too obvious, malaki lagay niya from Iloilo Dance Crew na puro kasi mga bakla din. What a bullshit judgement of Vice Ganda, masisira career mo pag hindi ka nagbago. Excellent dancers at professional Davao crew, bibigyan niya ng 6? gaguhan? ABS CBN management, wake up pls. Too OBVIOUS, BINABOY NI VICE SCORE.

  2. alam nyo ba na nag guest c ang isa sa harem girls (girls ng Brunei Prince) sa Howard Stern show at nag promote ng book (bio. ata), and take note namention nya na siya ang #1 girl ng Prince at ang # 2 (eto na! BFF daw nya at that time ) eh isang filipina soap star lang naman….esep2 mga girlssss sino kaya ang natsismis sa Brunie noon??? hmmmm

    Ruffa do u know Jillian Lauren???/

  3. from lolit solis article
    psn 2 july:

    Wala akong nakitang masama sa pang-iisnab ni Mama Gloria Arroyo sa pag-alalay sa kanya ni P-Noy.

    Nagpakatotoo lang si Mama Glo as in hindi siya nagpakaplastik! Alam ni Mama Glo ang mga pag­ba­tikos sa kanya ni P-Noy noong mga huling linggo niya bilang pangulo ng Pilipinas.

    Bumilib pa nga ako sa ginawa ni Mama Glo. Palaban at talagang matapang siya. Kita n’yo naman, hindi siya nagpaapekto sa pag-boo ng mga tao. Smile lang siya with matching wave.

    Hindi inisip ng mga nag-boo kay Mama Glo na nag-reflect kay P-Noy ang kanilang ginawa dahil mga supporter sila ng bagong halal na pangulo. Ipinakita nila ang kakulangan ng disiplina. Hindi nila binigyan ng kahihiyan si P-Noy.

    ====================================

    ang kapal talaga ng mukha mong lolit ka!
    bulag ka ba talaga sa mga pinagagawa ng mga arroyo o talaga lang na isa kang bayarang reporter?
    matanda ka na at ilang taon na lang eh mawawala ka na, hindi ka pa rin nagbabago?
    isa kang alipin ni pgma at ng gma7!

  4. si lolit nangongopya lang ng topik sa mga blind items tapos papangalanan niya ng bongacious para sa kanya ang credit.kapal ng face mo lolit at ikaw krissy manahimik ka na ayusin mo mga anak mo landi.

  5. tama na muna, kristeta, wag ka na muna manlalake habang presidente ang kuya abnoy mo. kakahiya sa madlang pimples. ginagawa lang basketball court ang bibig mo ng mga guys! che!

  6. hanap n lng ng bago c james yung matino, remember what she did to philip, sa ngayon kkmpi niya lahat dahil alam natin kung bakit, pero may 22ong nkkalam ng lahat

  7. langhiya naman tong matandang lolit tsolis na to,ang paaaaaanggggget na nga ng mukha ang paaaaaangggggeet pa ng ugali,hoy lolita wala kang credibility ang alam mo lang puro kasinungalingan .yung kasabwat nyo nga pqalq noon sa MMFF eh namatay na nag pakamatay pala<gayahin mo na lang kaya yun!!!!!

    • ronnie carrasco kaw ba talaga yan..?? kung ikaw nga yan tanong ko lang sayo…. kelan pa kayo naging kagalang galang na writer ni lolit..?? pakisagot lang po….

  8. Tama ka nga Lolit pag sinabi ni Kris ginagawa nya that only means na sya ay TRUE TO HER WORDS! Hindi sya Plastic na tao…kaya kahit ganyan yang babae na yan na sabi nyo nga eksenadora like ko sya at humahanga ako sa strong personality nya…sana ganyan din ako bilang isang babae..kudos to you Kris at Goodluck sa new life mo!

    Ang tanong…Nang-agaw ba ng eksena si Kris sa inauguration???? ANO??? sagot!!!

  9. Hindi naman sumusuko ng basta basta si Kris kung hindi siya lumaban. Hindi ba’t may sinugod pa siyang kapitbahay dahil sa naglalandian sila ng asawa niya. She’s just any other married woman na gagawin ang lahat para sa marriage. Ngayong sumuko na siya, isa lang ibig sabihin nun. Hindi na niya kaya pang ipagtanggol si James kung yung lalaki mismo ang gawa ng gawa ng kabalbalan. Aminin na natin, babaero talaga siya.

  10. mamaya andito na si raymundang bakla, ropang plastikada na scamera, ritsard na killer, anabil na balahura walang breeding at si eddie na walang bayag.. ayan, pagtutulungan na nila na laitin si kris…. idagdag mo pa si lolita na mukhang pera.

  11. may ibang mahal na si james, period…suko na si kris kasi di talaga hihiwalayan ni james ung girlash…

  12. bakit kaya d nag last longer ung mga karelasyon n kris…ano ba ang problema na sa kanya ba o sa mga lalaki nya….

    • wala naman talagang tatagal kay kris aquino may mood disorder kasi siya fyi nag memedication kasi c kris to stabilize her mood so kng mapupuna nyo masyadong eratic behavior nya bakit ko alam?

      • oo nga joey ishare mo naman. baka naman nag aalam alam ka lang. hihintayin ko yan. kung hindi para kang si lolit na walang kredibilidad.

  13. ok lng iwan na nya si james akala kc ni kris kung sino sya! nag feling felingan nman…prang eng-eng nman….go james hanap k nlng ng iba yung MATINO!!!!

  14. Tama, kaya huwag niyo na piliting pagsalitain si Jen and Patrick…ang importante okay na silang lahat at nagkapatawaran na. Di ba manay?

Leave a Reply

Your email address will not be published.