Kris Aquino, ibinuking si Diether Ocampo!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly!

Ilang chikka ang naibabahagi natin sa isang Kris Aquino na talaga namang annulled na ang ate mo ay aura to death na naman siya sa mga kaeksenahan niya noon.

Dahil may nakapag-chikka sa atin na mukhang binabalikan na naman si Kris ni Diether Ocampo. Kasi nu’ng isang araw, napadaan daw kuno si Diether sa taping ng Kris TV, at nagbatiaan na parang may malisya o may something.

Tinanong daw ni Kris kung bakit nandoon siya at may dala pang gitara. Sabi naman daw ni Diether, haharanahin daw niya si Kris. Maloloka ka talaga sa Earth!

Walang kagatol-gatol na sinabi ni Kris na “p’wede ba, alam ko kung sino ang nililigawan mo… ‘yung pinsan ko!”

Hindi na nag-usisa pa si Diether at bigla na lang nagpaalam. Say mo, ‘te?! Keri mo ba?!

 

AT ANOTHER chikka na naman ito, at ang masa-sabi ko ay bongga rin pala na magkaroon tayo ng mga kasamahan sa London, UK na kung saan ako nagra-radio roon, at binigyan din ako ng pagkakataong mag-share ng mga chikka sa Pinoy Radio UK.

Kung saan, ang aking manager ay si Sonny Laragan na talaga namang bibilib ka sa kanya. Dahil kung wala siya roon ay hindi tayo magkakaroon ng mga balita na maisi-share niya sa atin. Kagaya na lang ngayon sa nangyari kay Rep. Iggy Arroyo ng Negros Occidental. Nakakalungkot lang isipin na bakit ganu’n ang nangyari sa kanilang family.

Sabi nga, ni Sonny Laragan, isang buwan na raw nakaratay ang bangkay ni Cong. Iggy at nasa custody ng London. Buti na lang at me-ron tayong kasamahan sa industriya na tumutulong sa ating makapagbigay ng mga impormasyon sa nangyayari sa mga kababayan natin sa ibang bansa.

 

AT HETO pa ang isisingit ko na talaga namang maloloka ka sa Earth! Nag-audition kasi ang talent ko na si Marc Tanjalangit sa bagong teleserye sa ABS-CBN. Marami sila, pero siya na lang ang naiwan, at tatawagan na lang daw siya kung isa siya sa mga cast ng teleserye na ‘yun.

Wait ko ang tawag ng ABS-CBN, kung makakasama nga ang ala-ga kong si Marc. Unti-unti na siyang nakikilala ngayon at mukhang marami naman siyang napatunayan sa ABS-CBN. Ngayon nga ay may mga ginagawa nga siyang movie, like ‘yung Larong Bata ni Direk Buboy Tan. Sponsored ito ng DepEd kasama sina Nash Aguas, Basti, Melai at Jason. At siyempre hindi rin nagpapaawat ang anak kong si Kariz, at ako at si Tia Pusit.

Bonggacious ever to the max, babayou!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Kris Aquino, ibinuking si Diether Ocampo!

  1. Na lampasan ni former president Cory ang dictadurya, nalampasan din nya ang dalawang coup d’ etat, natapos din nya ang pamumuno ng bayan, pero ang pinaka mahirap na dagok sa buhay nya, ay ang mga consumisyon na binigay ni Kriss sa kanya.

  2. well whats new with kris? kya hindi tinatagalan yan ng lalake super kadiri sa kadaldalan. wala ng mgttiyagang manligaw jan. kng meron man pera at fame na lang ang habol

  3. copy paste from other showbiz articles! hahahahahaha. stop na swarding, magresign ka nang gurang ka at please! wag mo munang isusulat ang alaga mong papa mo na din dahil wala pang napapatunayan, baka nga maging indie actor lang yan ng mga gay films! hahahahahahahaha

  4. tita swangit, wala ka na bang iba pang ibabalita? kung hindi luma eh imbento… hay, magbigti ka na lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.