Kris Aquino, hinuhulaang mabubuntis ngayong taon!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. Thanks God, it’s Friday! Maloloka ka talaga sa Earth, hahaha!

Wala talagang takot na sinagot ni Kris Aquino ang isyu ng pambabraso raw niya sa best actor award ni Dingdong Dantes. Kaloka, as in mabubuang ka sa Earth! Nang matanong nga si Kristeta tungkol sa tsismis na brinaso niya ang pagkapanalo ni Dingdong ng best actor sa nakaraang MMFF, walang kagatul-gatul na sinabi niyang, “Sasagutin ko lang ang accusations na ‘yun. Isa naman ang napanalunan. Para du’n sa nagsabi… si Dingdong, anak din siya ng Diyos, may karapatan din siyang magkaroon ng trophy.

“Hindi naman ako garapal sa prayers. Dalawa lang naman talaga ang hiniling ko. God please make the movie number 2, ibinigay naman ni God ‘yung pagiging number 2. The other prayer was not for myself, it was for Dong. Sabi ko, please make him best actor. Ibinigay ni God. ‘Di ba, hindi selfish?” ayon pa kay Kristeta.

Kaloka pa rin ang hula ng kaibigan kong manghuhula na si Arman Cuban. Sa 2012 daw, mabubuntis ulit si Kris at si Dingdong ang makaka-asemble na babae raw. At magkakaroon daw ng malaking eskandalo ang sobrang away nina Marian at Kris dahil kay Dingdong. At malamang, pumasok na sa pulitika si Kris at Dingdong.

Ano ba ‘yan? Kaloka, ‘di ba? At may ibang humula naman kay kris na ang makakabuntis ay si Coco Martin. Pa’no naman mangyayari ‘yun, wala namang affair si Coco kay Kris?

Well, alam mo naman si Kris… what Kris wants, Kris gets1 say mo?

 

AT HETO pa ang nakakagulantang na chikka at hindi ka p’wedeng magpaawat dahil kumustahin naman natin itong si Papa Vic Sotto na may balak daw tumakbong mayor ng QC, at may balak kalabanin si Bistek. Nakakaloka, ‘di ba?

Marami ang nagsasabi na bakit mayor pa, eh hindi na lang senador agad? Alam naman ng buong madla na for sure, mananalo naman siya, ‘di ba?

Kaya maloloka ka talaga sa Earth! Kung nagbabalak man si Vic Sotto, talagang mananalo siya. Kaya lang, marami rin ang nagsasabing gusto talaga niyang makatulong. Nakakatulong naman talaga siya kahit sa show niya araw-araw sa Eat, Bulaga, ‘di ba?

Well, ang masasabi ko lang, kung sakaling tatakbo siya… goodluck Papa Vic…!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.