Kris Aquino, Hindi raw taklesa kundi mayabang! – Cristy Fermin

TAMA ANG OBSERBASYON ng mga nakakausap namin. Sinasadya na ni Kris Aquino ang pagiging taklesa. Pumasok na raw kasi sa kanyang sistema na palagi siyang pinag-uusapan dahil sa mga pinakakawalan niyang salita na kadalasan, hindi sinasang-ayunan ng ating mga kababayan.

Komento ng aming kausap, “Nasa system na niya ‘yun. Parang malungkot siya kapag hindi siya naka-headline sa mga tabloids at broadsheet, kaya sinasadya niyang magsabi ng mga bagay-bagay na alam niyang makakakuha ng atensiyon ng marami.

“Just to be talked about. Just to be noticed. Just to be different. Just to be in the middle of controversy. It’s in her system already and she enjoys it.

[ad#post-ad-box]

“Noon pa man, nu’ng baguhan pa lang siya, nakita ko na agad sa kanya ‘yun. She really loves being talked about, alam niya naman na lumalampas na siya sa dapat lang, but she deliberately says something na alam niyang magiging reason para mapag-usapan siya.

“Look, nagtatagumpay naman siya, ‘di ba? Nakatitikim lang siya ng mga negative comments, pero para sa mga taong gustung-gustong napag-uusapan sila, positive pa rin ‘yun,” deklara ng isang kaibigan namin.

Kahit daw magtulung-tulong pa ang mga kapatid ni Kris sa pagsaway sa kanya ay walang magagawa ang mga ito. Walang kahit sinong makapipigil sa dila ni Kris sa pagkawag dahil ‘yun ang talagang hinahanap niya.

Hirit naman ng isang taga-showbiz, “Hindi n’yo ba napapansin? Kapag may artistang sentro ng controversy, maghintay ka lang ng konting panahon at gagawa si Kris ng isang bagay na siguradong makaaagaw ng atensiyon ng publiko.

“Enjoy siya kapag pinag-uusapan siya, malungkot siya kapag tahimik ang mundo niya. ‘Yun ang reason kung bakit kahit alam niya namang sumusobra na siya, e, gagawin pa rin niya ang isang bagay para lang ma-divert sa kanya ang pansin ng public.

“Sagana naman siya sa attention, pero bakit nga ba siya ganu’n, masyadong KSP (kulang sa pansin) si Kris?” Komento ng aming kausap.

Maraming-marami nang kataklesahang pinalutang si Kris. Ang pinakahuli niyang sinabi na kinaiinisan ng marami ay ang katuwiran na kung pakikinggan niya ang pagliban sa kanyang trabaho, ayon sa Comelec, dahil baka makaimpluwensiya siya sa ating mga kababayan sa pagkandidato ng kanyang kapatid sa panguluhan ay hindi maaabot ng BIR ang kanilang quota.

Alam ni Kris na magiging mayabang ang dating niya sa publiko sa pagsasabi ng ganu’n. Pero sinadya niya, dahil siguradong mapag-uusapan na naman siya nang dahil du’n.

Sabi nga ng isang nakausap naming inis na inis sa aktres-TV host, “Hindi siya taklesa, mayabang siya!”

NU’NG MINSAN AY diretsong sinabi ni Mommy Dionesia Pacquiao na Rolex ang suot niyang relo. Lantaran din niyang sinabi sa ere ang halaga ng suot niyang alahas, daang libo ang halaga nu’n, pero walang nagkomento ng mayabang ang ina ni Manny Pacquiao.

Cute pa nga ang dating ng kanyang mga sinabi, aliw na aliw sa kanya ang manonood. Pero kung si Kris ang magsasabi nu’n ay siguradong aani na naman ito ng kaliwa’t kanang batikos.

Kung iba ang magsasabi ay cute ang dating, pero kapag si Kris, mayabang ang pagtanggap ng marami sa kanyang sinasabi.

Nakakaaliw naman kasi talaga si Pacmom, sa pagsasalita niya pa lang ay hahalakhak ka na, dahil bukod sa matigas na ang kanyang dila ay ipinanganak pa siyang komedyana.

Parang kailan lang ‘yun na kapag nakakasama namin ang Pambansang Kamao ay nasa isang sulok lang si Mommy Dionesia, nakamasid lang sa paligid, pero ngayon ay isa na rin siyang artista.

“Talagang ganu’n, weder-weder lang,” natatawa niyang komento.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

19 thoughts on “Kris Aquino, Hindi raw taklesa kundi mayabang! – Cristy Fermin

  1. obviously, those anti-kris are in deep jealousy of her…but they only make themselves look more pathetic…and more like dumb-asses! LOL!

    Sorry, but Kris’s personality, attitude and brain ROCK!!! She is phenomenal in the philippine television!

  2. haizt!!!yung mga nag-ko-comment ng negative about Kris eh mga inggit lang yan…kahit ano naman ang sabihin ng iba eh hindi na mababawasan ang kasikatan ni Kris..taklesa si Kris, eh ano naman sa inyo??eh ganun na talaga siya eh…prangkang tao…walang itinatago sa publiko…inggit lang kayo!!!

  3. Yes na Yes mga Artista ng ABS CBN kung hindi Bading may STD o di kya International Pok Pok sa Brunie at sa Cubao Tamabyan ng ABS CBN Phim Stars lol! Mga Bayot Kayo lol!

  4. Its obviously a character assasination on the part of kris aquino. Walang maippupukol na negative on his brother noynoy, kaya si kris ang pupuntiryahin.

    We all know naman na cristy is connected to willie revillame, and the latter is identified with and endorsing villar. What what other way to criticize somebody else db?

    • tama ka jan…inggit lang yung iba jan kasi walang show sa “kapamilya” network…hehehehe…tamaan ‘wag magalit…hahaha!!!

  5. at least si kris aminado na attention-seeker, eh ikaw cristy kailan mo ba inamin na isa kang ESTAFADOR! di ba, convicted ka?! ikaw cristy ang mas nakakahiya! itago mo na lang ang pagka INSECURE mo kay kris, siguro mas masakit sa part mo kasi binabanatan mo si kris kaliwa’t kanan, pero di ka naman pinapansin ni kris, di ba mas MASAKIT yon?!

    • good…tama ka jan…palibhasa natanggal sa show niya dati…hahahaha..inggit lang yan kay Kris kaya nababaliw…kung anu-ano sinasabi..ang baho naman ng pagkatao…bago mo punahin ang iba tingnan mo muna ang sarili mong imahe..

  6. It doesnt matter kung attention seeker sya, may ibubuga naman sya talaga diba. Well, I noticed cristy bat parang puro negative write-ups and meron ka kay kris. I smell something fishy. (Pardon me since i dont even know whats going on with both of you). May jealousy ba dito Cristy since nasa The Buzz pa sya?

  7. Ano naman ang kakainggit kay Kris, sa dami ng kahihiyan na ginawa niya, ang maging homewrecker that’s why she got STD and she was even bragging it to the whole world, etc. Hindi kinaiingitan ang mayaman at si Cristy hidi retokado, not like Kris

  8. cristy impakta ang alam mo lang manglait kay kris dahil hindi mo sya maoto at inggit ka dahil nawalan ka nang show dahil sa pagiging mapagimebento nga kwento !!!!!! cristy aswang , bayaran no gretchen at ni willy !!!! tumigil kana impakta ka!!!!!!

  9. hay kawawa ka naman super ingit ka lang.. why dont you just keep your mouth shot if you dont have to say anything good to others! why you have write does bad publisities parang wala kayong pinagsamahan… and besides we never heard kris saying bad things against you… kong gusto mong gayahin c kris kasi naiingit ka.. then follow her footsteps… not putting her down…. haller maawa ka nga sa sarili mo!

    • tama inngit lng yan kc gusto n cristy xa nman bida eh sma ng ugali nia mxadong epal,bsta aq love n love q c kris kht anong sbhin nio.

    • ano ngayon kung ADHD si kris, ganyan talaga basta may utak, kahit bali-baligtarin mo pa kris has something between her shoulders! mas ok na yon kesa sa bobo!

  10. lolitfermin at jamesyap

    c kris madaldal talaga.. pero haller? cristy, mtumigil ka nga!!! ikaw mayabang na taklesa pa!!! im not a fan of kris huh, pero kung c between you and kris, mas pipiliin ko c kris…. buti nang magmayabang c kris magansa nmn at mapera.. ikaw? ang ginagawa mo lang, manlait ng taong nakabangga mo na in the past or mga taong related sa taong nakabangga mo….. ngetpa na nga fez mo, pati ugali mo ngetpa rin!!

  11. Si Kris me tama na sa utak. Kailangan niya ng psychiatric eval. Sobra naman na ang yabang niya, hindi na siya nahiya, tumingin muna siya sa salamin at baka makita niya ang sarili niyang mga baho na hindi makakalimutan ng tao

  12. I think Kris needs a professional medical help. I think she’s bipolar. She’s not acting right anymore, tandaan niya na marami na siyang karma dahil sa dami ng nasagasaan at nasasagasaan niya sa pagiging tactless at mayabang niya. Tingnan muna niya ang sarili niyang pamilya ang look back para ma realize niya na hindi kanya ang showbiz at ang mundo. Hindi niya yata alam ang words na humble and respect. Sana iyong mga adviser ni Kris huwag naman siyang tolerate. Isispin naman niya mga anak niya, kasi sila ang mag suffer in the future. Sobra na tama na Kris.

Leave a Reply

Your email address will not be published.