Kris Aquino, hindi nakauwi ng Pinas from Japan dahil umatake na naman ang sakit

Kris Aquino

SA JAPAN nag-celebrate sina Kris Aquino at ang dalawa niyang mga bagets na sina Bimby at Josh ng Pasko.  Paboritong bakasyunan ito ng mag-iina kung saan nae-enjoy ni Kris ang malamig na klima ng bansa at ang mga anak naman niya aysuper enjoy sa mga foodtrips nila at ang mga paglalaro sa mga arcades.

Dapat as scheduled ay sa Pilipinas sasalubong ng BagongTaong 2019 ang pamilya ng Queen of All Media. Pero sa kamalasan, sina Josh at Bimby lang ang nakauwi last December 31 para makahabol sa pagsalubong ng New Year sa Pinas.

Kamalas-malasan, si Tetay hindi nakauwi at nanantili sa Japan at doon nag-celebrate ng New Year’s Eve.

Inatake kasi si Kris ng kanyang sakit. Andyan na super lamig ang temperature ng Land of the Rising Sun ngayon pa na winter season, uticaria at ang kanyang autoimmune disorder ang nakasagabal sa paguwi niya.

Nakakaloka ang sakit ni Tetay. Have you seen photos of those rashes at pamamantal at parang black and blue na pasa sa skin niya dahil sa kanyang autoimmune disorder? You will pity her.

Bimby and Josh

Ang hirap ng health conditions ni Tetay na kung ilang mga doctors ang naka-monitor sa kanya. Bawat galaw or biyahe niya ay ikinu-konsulta pa niya sa mga ito para sa kanyang health clearance.

Noong New Year’s eve, total bed rest lang si Kris. Binusog ang sarili sa panonood ng CNN New Year’s Eve coverage around the world, nagbasa ng James Patterson book, nanood muli ng concert ni Demi Lovato at nagtulog lang for almost 17 hours as prescribed by her doctor to take a rest.

Bukas, January 3 ay ready na umuwi ng Manila si Kris after an unscheduled extended stay sa Japan nang umatake ang kanyang peligrosong sakit na kung hindi ma- monitor ay biglang aatake.

Sa pagbabalik ni Kris bukas ay paghahandaan naman niya ang mga trabaho sa mga bagong endorsement shoots and pictorials na ang ilan ay nagtapos at nag-end ang contract niya last December 31, 2018.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

RK Villacorta

About the Author

has written 2687 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.