Kris Aquino, hinarang ang billboard nina Willie Revillame at Shalani Soledad?!

BONGGA, HUH! GAMIT na gamit na naman si James Yap sa pinu-promote na pelikula ni Kris Aquino.

‘Di ba kapag may nagdu-double sa isang bida ng pelikula, hindi na pinapaalam iyan, pero since si James ang nagdu-double kay Diether Ocampo, ito na tuloy ang pinag-usapan sa presscon ng pelikula niya.

Kaya lang, asawa pa rin naman ni Kris ‘yun, kaya okay lang na magamit si James. Pumayag naman siya, eh!

Heto ang isa pang nakarating sa akin na ginamit na naman daw ni Kris ang power niya.

Meron kasing napagkasunduan sina Willie Revillame at Ben Chan na bibigyan ito ng billboard para ma-promote ang Willing-Willie niya.

Nangako na si Ben Chan kay Willie na ang iba niyang billboard ay ibibigay sa kanya kaya nagpa-schedule ng pictorial, kung saan kasama nito si Shalani Soledad. Nag-schedule na sila ngayon ng pictorial at natapos na ‘yun, kaya hinintay na lang nila ang billboard na ipinangako ni Ben Chan.

Heto ka, ‘day! Ang nakarating na kuwento sa amin, tumawag daw itong si Kris kay Ben at tinanong kung totoong may pictorial nga sina Willie at Shalani na gagamitin sa billboard.

Inamin naman daw ni Ben at tinanong pa siya kung ayaw ba nito. Hindi naman daw, sabi ni Kris, parang hindi lang daw siya kumportable.

Ayun na, ‘day! Ang ending, wala nang billboard sina Willie at Shalani! Ayoko namang sabihing naharang, pero bakit biglang na-cancel na ito?

Hay, naku! May magagawa ka ba kung powerful ang katapat mo? ‘Yun na!

SI IZA CALZADO pala ang bagong endorser ngayon ng Sabella clothing line na ang alam ko, family friend ni Sunshine Dizon ang may-ari nito na si Ramon Sabella. Dating endorser din nga nito si Sunshine, pero hindi na kasi ito active ngayon dahil buntis.

Siyempre nu’ng presscon nito, tinanong ito kay Iza at baka panibagong intriga na naman ito sa kanilang dalawa.

Nilinaw ni Iza na walang ganu’n dahil matagal na silang okay ni Sunshine at sa kanya nga raw nito nakilala si Ramon Sabella.

Kaya wala na raw isyu sa kanila ni Sunshine at huwag na raw intrigahin dahil sa totoo lang, matagal na raw siyang dinadamitan ng Sabella. Happy na ito ngayon dahil magagamit na niya itong Sabella sa Beauty Queen.

Doon pa rin sa presscon ng Sabella, sinagot ni Iza ang tungkol sa meeting nila ng sikat na Thai actor na si Ananda Everingham.

Nagulat nga ito kung paano ito nakarating sa press dahil wala pa naman daw final na napag-usapan, Ipinakilala lang daw sila ni Direk Tikoy Aguiluz, pero nahihiya naman daw siyang magkuwento kung ano ang project na gagawin nila.

Nagkakilala lang daw, pero saka na raw niya ikuwento kung talagang may final na napag-usapan.

Kung matutuloy ito, panibagong international movie na naman ni Iza na in fairness, bagay naman sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.