Kris Aquino, hanggang pang No. 3 lang!

DIRETSONG SINABI NI Kris Aquino, “I just want to be number 3, that’s honest.” She’s referring to her movie Dalaw with Diether Ocampo ng Star Cinema na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2010.

“I’m realistic enough to know na most likely, si Bong (Revilla) at si Vic (Sotto) ang magna-number 1. Ai-Ai (delas Alas) has a track record for Tanging Ina (number 2) so, number 3, thank you God,” dugtong pa ng Queen of Horror Movies.

Isa rin si Kris sa producer ng Dalaw, kaya wala kang maririnig na reklamo kahit abutin pa ng kinabukasan ang shooting. Ibinigay na raw niya ang best performance sa nasabing pelikula. Nag-i-expect ba naman siyang manalong Best Actress? “I don’t expect to win. Kapag nanalo ako, katakut-takot na batikos ang aabutin ng pamilya ko. Ang chairman kasi ng MMDA, appointed ng kapatid ko (P-Noy). Ayaw kong mapintasan ang kapatid ko dahil sa akin,” say ng Queen of All Media.

Pagmamalaking sinabi pa ni Kristeta na manonood si President Noynoy Aquino sa premiere night ng Dalaw sa Trinoma on December 19. Nilinaw rin niya ang issue na diumano binasted ni Liz Uy ang kapatid niya. “Hindi niya binasted si Noy, let’s make it clear and I think, Liz would even say na hindi niya binasted si Noy. Beyond that, let’s give the President naman his privacy. He’s 50 years old. I also pray that there will be a Benigno Aquino IV. So, kung sinumang babae ang iibigin ni Noy ay sana, iibigin siya at aalagaan siya. Hayaan nating mabuo ‘yun kasi my brother deserves that happiness.”

Suppose to be, si Direk Chito Roño sana ang magdi-Direk, hindi raw puwede dahil may horror film na ginagawa. Inalok rin si Direk Jerry Sineneng, hindi rin puwede dahil may Imortal, pero saludo raw siya sa husay at galing ni Dondon Santos as a director.

Ikinuwento pa ni Kris na binili niya ang unit na katabi ng tinitirhan niya, isang condo building in Makati. ‘Yun daw ang message sa panaginip niya ng kanyang Mommy Cory Aquino. Ang condo unit ay para kay Baby James at ‘yung unit na tinitirhan nila ay ibibigay naman niya kay Joshua. Hopefully next year, plano niyang magpatayo ng bahay for herself.

Siyempre, hindi maiiwasang itanong kay Kris ang ex-husband niyang si James Yap. Nasa point of acceptance na raw ang relationship nila as friends. Kahit seven months na silang hiwalay, naging maayos naman ang lahat between them.

“We have settled the financial aspect at naramdaman ko naman how much Baby James loves him. We are better off as parents at ipinaramdam niya naman na gusto niyang maging friends kami… naging open kami sa isa’t isa. Ilang beses na niyang sinasabi sa akin na kung gugustuhin ko, puwedeng kami pa rin. Pero sa ngayon, alam ko kung sino ang type niya,” pahayag ng actress/TV host.

Sa ngayon, hindi pa ready si Kris na tumanggap ng suitors. Gusto muna niyang maayos ang annulment nila ni James Yap. “Next year, may sarili akong version ng ‘Eat, Pray, Love’. Love ang uunahin ko,” buong ningning na sabi pa ni Kris sa media. May ganu’n? Abangan…

KAMAKAILAN LANG, INILUNSAD ni Sharon Cuneta ang “Celebrations by Sharon”, ang kanyang sariling brand ng cookware, bakeware, culinary herbs at kitchen appliances sa The Block, SM City North Edsa. Namangha ang mga nagsidalo sa mga demos at home craft workshops.

Celebration by Sharon is just perfect sa mga Mommy who would like to make most out of the Christmas season. Whether you bake or just cook, this home entertaining line will be of great use. Ito’y binubuo ng premium coated non-stick bakeware na click na click this holiday season. Ang iba pang silicon at wood-based baking accessories na may iba’t ibang disenyo kasama ang limitid edition holiday season design. Laman naman ng cookware ang stainless aluminum na kaserola’t kawali na may iba’t ibang hugis at sukat na ginawa para sa classic, elite at platinum series of collection ni Megastar.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.