Kris Aquino, handang ma-bash sa bagong patutsada kay James Yap

Kris Aquino and James Yap

BAGO ang storycon ni Kris Aquino sa Star Cinema kaninang tanghali, April 20, sa ABS-CBN compound ay nag-post si Kris ng maaanghang na pahayag sa kanyang social media account patungkol kay James Yap na ama ng anak nilang si Bimby.

 
“Patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo “nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.” 
 
“UTANG NA LOOB… flashback 2013- trying hard kang umiyak (i say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil “pinagkakait” ko si Bimb sa yo… 
 
“Ay oo nga pala, of course pinagaksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya… Nung tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang “excuse” mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school… 
 
“Sinunod ko yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing. When Bimb saw the post na BINASTOS sya na “baklain” sya, he shrugged it off & said: “Mom — who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?” 
 
“Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko — wag mo kaming guluhin, peaceful tayo… Eh humirit ka w/ your birthday post. So bakit nga ba hindi kayo nagkikita? Ganito ka simple — wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming “power” so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. 
 
“Ang kapatid mo ka Facebook si Bincai. Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky… you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS. 
 
“I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth.”
 
Ang IG post ni Kris ay may hashtags pang  #lookwhatyoumademedo.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “Kris Aquino, handang ma-bash sa bagong patutsada kay James Yap

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.