Kris Aquino, gustong itulad si Bimby Aquino Yap kay Luis Manzano

Kris-Aquino-Bimby-Aquino-YapHINDI RAW tutulan ni Kris Aquino ang kanyang anak na si James Bimby Aquino Yap kung ipagpapatuloy nito ang kanyang pag-aartista lalo na’t natikman na nito ang pag-aartista at bida pa sa My Little Bossings, kasama sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Aiza Seguerra at si Kris na entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

At kahit nga anong propesyon nga raw ang pasukin nito bukod sa pag-aartista, susuportahan nito. Pero kung siya raw ang masusunod, mas gusto nitong tapusin muna ni Bimby ang kanyang pag-aaral kahit saan daw nito gustong mag-aral mapa-Pilipinas man o ibang bansa, ibibigay nito sa kanyang anak.

Iba raw kasi ‘yung naka-graduate ito katulad ni Luis Manzano na mula sa Lucky noong bata ay tinapos muna ang kanyang pag-aaral bago pumalaot sa pag-aartista. Gusto rin daw ni Kris na maging host katulad niya si Bimby if gugustuhin nito.

Alam naman daw nitong ‘pag dumating ‘yung nasa tamang edad na si Bimby ay mas mawawalan na raw siya ng control sa magiging desisyon nito. Pero nand’yan lang daw siya para i-guide pa rin ang kanyang guwapong anak. Pero sa ngayon daw ay sobrang happy siya sa outcome ng pelikula, dahil nagampanan ni Bimby nang buong husay ang role nito.

 

Bimby-Aquino-Yap-Kris-AquinoIDOLO RAW ng Japanese/Pinoy singer na si Ryu Morikawa ang singer/actor na si Sam Concepcion. Bukod daw kasi sa galing nitong kumanta at sumayaw ay magaling din itong actor.

Ito raw ang kanyang inspirasyon para paghusayan ang kanyang propesyong pinasok, ang pag-awit. Sana nga raw ay maabot man lamang niya ang 1/4 na kasikatang meron ngayon si Sam na hindi lang sikat sa Pilipinas kung hindi maging sa Indonesia ay tinitilian at pinagkakaguluhan ito.

Ngayong November daw, katatapos lang nitong mag-mall tour kasama ng Level Up Voys at Internet Sensation UPGRADE sa SM Supermalls at Star Malls. Pero ngayong December, magkakaroon na rin ito ng kanyang sariling mall tour sa Star Mall kasama ang 4G na kinabibilangan nina Merwyn Abel, Josh Izon, Jasper Dela Cruz at Shaun Salvador, DJ Joph at Full Force Dancers.

 

HINDI MAN nagwagi sa katatapos na PMPC Star Award For Television ang mahusay at award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez, sobrang saya at ‘di nito napigilang maluha sa pagkapanalo ng kanyang anak na si Arjo Atayde ng Best Supporting Actor para sa mahusay nitong pag ganap sa Dugong Buhay.

Kinikilabutan at umaagos ang luha sa pisngi ni Ms. Sylvia habang umaakyat ng stage ang kanyang anak, dahil kitang-kita raw nito ang saya sa mukha ng kanyang anak habang binibitawan nito ang kanyang speech.

Hindi nga raw kasi nila inaakala na mananalo si Arjo dahil mahuhusay rin ang mga nakalaban nito sa nasabing kategorya. ‘Yung ma-nominate nga lang daw si Arjo ay malaking bagay na sa kanila, kaya naman daw nu’ng manalo ito ay sobrang big deal sa kanilang lahat.

Tsika nga ni Ms. Sylvia na sobrang proud siya sa kanyang anak lalo na nang sabihin nito sa kanyang speech na siya ang mentor nito at isa sa dahilan kung bakit niya kailangang pagbutihan ang kanyang trabaho, dahil alam nitong isa sa tinitingalang actress sa bansa ang kanyang Mommy Sylvia.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.