Kris Aquino, gustong dalhin ni James ang GF sa birthday ni Bimby

Kris-AquinoIN FAIRNESS kay Kris Aquino, ha? Talagang positive lang ang aura niya!

Peace na nga sila ni James Yap, pati si Ricky Lo na alam kong irita siya nu’n, nakipagbati din siya nu’ng nagkasama sila sa coverage sa Spiderman sa Singapore.

Ang isa sa gagawin naming kuwento sa Startalk na mapapanood n’yo sa Linggo ay itong kina Kris at James nga, pinaimbitahan pa raw ni Kris ang girlfriend ni James na dumalo sa 7th birthday ng anak nilang si Bimby.

Nakausap ng Startalk si James at sinabi nga niyang natuwa siya kay Kris dahil napaka-open na ito sa lahat.

Inalok ni James na hati sila sa gastos sa birthday ng anak nila at nagpasalamat naman si Kris. Sinabi nga niya na dalhin ang girlfriend niya, pero sabi naman ni James, hindi pa panahon na ipakilala ni James ang girlfriend niya sa kanyang anak.

Selebrasyon daw ‘yun ni Bimby kaya gusto niyang naka-focus sila ni Kris sa kanilang anak, at hindi na agawin ang eksena sa pagdating ng girlfriend niya.

Darating din naman daw ang panahon na makilala ni Bimby ang girlfriend niya, kaya hindi siya nagmamadali.

Nakuwento nga ni James na malaki raw ang gagastusin nila sa 7th birthday ni Bimby, at biniro nga niya si Kris nu’ng tinext sa kanya ang amount, na nalaglag daw siya sa upuan niya.

Pero okay lang daw kay James ‘yun kahit gumastos siya nang malaki. Para naman daw ito sa anak nila, kaya okay lang daw. Ang importante mapasaya nila ang kanilang anak.

Alam ko sa April 19 ang birthday ni Bimby dahil ka-birthday nito si Mayor Joseph Estrada. Pero mapapaaga yata ang selebrasyon kasi natama ‘yan sa Holy Week.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.