Kris Aquino, gusto nang sundan si Baby James by Ambet Nabus

SI JINKEE PACQUIAO ang latest endorser ngayon ng Belo Medical Group. Malaki ang ipinagbago ng hitsura nito at nagmukha na itong isang sexy star. Kaya whether Manny likes it or not, may showbiz career na naghihintay para sa kanyang mga mahal sa buhay gaya nga ng nanay niyang si Mommy Dionesia, na dalawang movies ang ginagawa at may TV show pa.

Ayon kay Jinkee, matagal na silang nag-usap ni Manny hinggil sa alok ng Belo dahil dun naman daw talaga siya nagsimula at natutong magpaganda. “Maganda naman ang naging usapan namin at pumayag si Manny, kaya eto,” ang proud pang sambit ni Jinkee.

Although endorser na siya ngayon, hanggang sa mga kagayang bagay lang daw siya papayagang lumabas at makita ng asawa.

“Una, hindi naman ako marunong umarte. Mahiyain din ako. Tama na ang mga commercials at ganito. Tsaka proud din ako na makilala din ng mga tao bilang ako at hindi asawa lang ni Manny,” hirit pa ng mas gumanda, kuminis at nagmukhang artistang si Jinkee Pacquiao.

SA MGA SINABI ni Kris Aquino sa pagbabalik trabaho niya sa SNN tungkol sa isyu kay Willie Revillame, maliwanag na maliwanag na tinanggap ng buong pamilya nila ang paghingi ng apology ng Wowowee host.

Hindi naman daw sila ang MTRCB o ang KBP o ang ABS-CBN para magpataw ng parusa o anumang hakbang, at ang pag-intindi daw sa host ang pinaka-magagawa nila. Ayon nga sa kapatid ni Kris na si Pinky, “maganda naman ang intensyon ni Willie, yun nga lang ay hindi niya ito nasabi ng maayos.”

As we reported here yesterday, wala palang suspension sa TV host na ipinataw ang network kundi isang indefinite leave lamang ang hiningi nito. Pero may mga nagsasabing pagpapakita diumano ‘yun ng tampo o disgusto ni Willie sa pamunuan ng ABS-CBN na dapat aniya ay siyang unang-una na nagpakita ng suporta sa kanya?

At dahil dito, hayun at nakasilip na naman ng magandang oportunidad ang matatawag nating mortal na kabanggaan ni Willie na si Joey de Leon, na ginamit ang isyu para patutsadahan ito in print and in broadcast.

Speaking of Kris Aquino, ibinalita nitong kahit sa 2016 ay wala siyang planong lumahok sa pulitika.

Mas gugustuhin pa raw niyang magkaroon uli ng baby dahil wish daw talaga nila ni James na magkaroon ng baby girl.

And speaking of James, nakatanggap kami ng mga text messages mula sa mga kaibigang kumokober ng RP team games sa China. Bilib na bilib daw sila sa player dahil kahit ngarag na ngarag ang hitsura nito at pagod na pagod sa biyahe ay ang pagpapraktis at paglalaro talaga ang inatupag nito.

Talaga raw pinapanindigan nito ang naipangako sa yumaong Tita Cory na sikaping makapag-ambag ng karangalan para sa bansa.

“Hindi nga namin maayang makipag-bonding sa amin. Unlike dati na kahit isang bote, iinom iyan para ma-relax. Naintindihan naman namin at maging ng mga teammates niya. Malamig dito sa China, pero nagkakasya na lang kami sa kuwentuhan. Wholesome na wholesome nga ang drama,» ang bahagi pa ng mga mensaheng nakarating sa amin.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

2 thoughts on “Kris Aquino, gusto nang sundan si Baby James by Ambet Nabus

  1. Go for it Kris. Like you said, kailangan din ni Baby James nang masasandalan in the future for Josh’s sake. Good luck. God Bless.

Leave a Reply

Your email address will not be published.