Kris Aquino, gusto nang ipapatay ang karakter sa bagong soap?! – Pilar Mateo

GANO’N NA LANG ang pasasalamat ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa sambayanang Pilipino sa pagtangkilik sa bago niyang soap sa ABS-CBN na Kung Tayo’y Magkakalayo. Pero hindi naman niya akalain na ang magiging kapalit pala nito, eh, ang pagkakaroon nila ng problema ng kanyang kabiyak ng puso na si James Yap.

Nakalimutan na nga ni Kris ang dahilan ng saglit nilang pagkakaroon ng tampuhan ni James bago sila magbakasyon sa Bangkok, Thailand noong Pasko at Bagong Taon.

Pero, isang problema ang kinaharap nila sa paglitaw ng isang babaeng ayon kay Kris, eh, tawag nang tawag kay James kaya naman minabuti niyang kausapin ito dahil ilang bahay lang naman ang pagitan nila. Ang ina ng sinasabing babae ang nakausap niya para ilahad ang nadarama niyang pagkabahala sa mga nangyayari. Dahil narinig naman daw ni Kris ang naging usapan nito at ni James nang tumawag ang nasabing babae sa bahay nila na sinagot lang ni James ng “Kung ayaw sa ‘yo, eh, huwag mong ipilit!”

Natural sa isang asawa na gaya ni Kris ang mabahala. Pero, hindi naman niya inakala na ito ang gagamitin against sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Noynoy. Kaya sinabi niyang hindi kasali sa buhay nila ni James ito.

Pansamantala munang sa bahay ng Ate Pinky niya nananahan ngayon si Kris at ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James.

Wala raw siyang tinatapos sa pagsasama nila ni James. Mahal pa rin daw niya ito. Pero hindi naman daw niya matatanggap na parang siya lang ang nagmamahal. At kailangan daw pareho nilang ma-realize na sa isang pagsasama-dalawa ang nagtatrabaho to make it work.

In fairness kay Kris, lahat pa rin ng sakripisyo, eh, ginagawa niya para walang maging dahilan si James na magselos, lalo pa nga’t sumalang na naman siya sa isang soap na kakailanganin ang mga intimate moments sa leading man niya. Umabot na pala si Kris sa puntong ipinapapatay na lang niya ang karakter niya para wala na raw masabi ang asawa niya, pero ang trabaho naman niya ang naaapektuhan. Kaso, siya nga ang bida kaya paano mangyayari ‘yon?

HINDI NANANAHIMIK ANG intriga sa pagpasok ng isang TV executive sa isang network para siyang mamahala sa pagpapatakbo nito sa bagong administrasyon nila.

But up to now, mum pa rin ang nasabing TV executive sa paglilinaw sa nasabing mga usap-usapan, kung saan idinadawit ang pangalan niya at inili-link pa sa isang aktor na hindi na aktibo, na siya naman daw magiging vice-president ng nasabing kumpanya.

Blangko pa rin sa mga kasagutan nila ang mga taong unang nakaalam sa nasabing balita.

BALIK-BANSA NA ANG nagtangkang manatili na lang muna sa Amerika na si Lotlot de Leon. Ang maganda, may proyektong naghihintay sa kanya sa pag-uwi niya sa bansa.

Sila ni Julio Diaz ang magkakapareha sa Gumapang Ka Sa Lusak sa GMA-7.

Ang tanong, ano raw ba ang nagtulak kay Balot para iwang muli ang Amerika at dito pa rin manirahan matapos na makita niya ang biological father niya roon at ang surrogate Mom na Superstar? Hindi raw ba nahanap ni Lotlot ang tunay niyang hinahanap sa pagtungo niya roon?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

16 thoughts on “Kris Aquino, gusto nang ipapatay ang karakter sa bagong soap?! – Pilar Mateo

  1. promotion lang yang kalandian ni kris , kasi ipapalabas ung kung tayoy magkakalayo , kaya ganon .

    kris magbago ka na , hahahhaha

    landi mo talaga .

    baka ang mga boses ang my gus2 , banong bano ang pag arti ni kris , kahit masaya ang scene malunglot pa din muka . tang inang yan . hahahha

    masaya , malungkot , takot , galit , nerbyos , iisa ang akting ng muka …. malungkot . hahahhaha lintik ka talaga kris landi mo . hahha

  2. DOMISTEK ICHOO daw. Kung Domistek ba’t nya ikinakalat nationwide and internationally ang baho nila magasawa–pati tuloy kaming mga lukring sa America at Canada nakatutok sa TFC at YouChoob sa drama ng itech? Nagpo-Promo lang pala ng Cupcakes! Sos! May Goldilocks rin kami deto noh?

  3. ayaw ko kay kris dahil sobrang arte pero ito lang ang masasabi ko. sa lahat ng naging presidente ay si cory aquino lang ang matino at naniniwala ako na hindi siya tumanggap ng kahit ano sa kahit sino.

    • Hindi siguro. Dati ba’ng executive si Manny sa iba’ng network?

  4. bakit kc may mga taong malalandi?
    alam na nilang attached na ung tao eh lapit pa cla ng lapit.
    tulad ni marian rivera i dnt like her so mch.
    i really hate her.napaka samang tao

  5. alam mo LOVE IT, naturingang LOVE ang term na ginagamit mo as a username pero taliwas ang term na LOVE sa pangangatwiran at panghuhusga mo.

    mag-retreat ka nga! para naman matuto ka ng HUMILITY! search the meaning of HUMILITY at apply mo sa sarili mo!

    ang SAMA mo! ‘wag mo ng dagdagan ang lumalalang sitwasyon ng mundo.

    esep-esep kaibigan!

    • dapat sana tumingin ka sa salamin tinanong mo man lang kung sino si josh sa buhay ni kris, tinanong o rin sana kung applicable yung humility kay kris at sa sarili mo bago mo ipinasa sa akin.

      nagsalita ka ng ang sama mo dapat tumingin ka uli sa salamin bago ka nagtipa sa keyboard ng computer. we give comments about yang kris na immoral na kahit saang angulo mo tignan dahil ang ibedensya ay si josh at I am not refering to you dahil hindi namna kita kilala at wala akong ibabalandrang katibayan against you, whereas na ikaw nga si kris.

      hinuhusgahan ko ba o naglalahad lang ako ng katotohanan tungkol kay kris.. kung minsan talagang napakasakit ng katotowaan/katotohanan. ngayon kung umaeay ka well, tumahimik ka.

  6. kwa2 nman c ate kriz!!cgro nga time 2 let him go nah!!!kc ilang beses n nya gnwa yan dba!!!!!dont waste ur tym with kua james!!!!

  7. kwa2 nman c ate kriz!!!!!!cgro nga time 2 let him go nah. kc ilang beses n nya gnwa yan!!!!!!!!!paulit ulit n lng dont waste ur tym with kua james!!!!!!!!

  8. If I were KRIS AQUINO, i’d rather concentrate on my family first. Wag munang mag work kahit namn di muna sya mag work me pera pa rin naman yan eh. kawawa kasi yong baby nila ni james.

    • kailangang mag work si kris para mapagtakpan ang sisingaw. talagang maraming pera sina kris specially during the mothers term. kung stop sya sa work mahahalata yun na nga lang ang magandang panakip sa butas. kaya kung tatanungin saan kaya kumukuha ng salapi at blatantly sasabihing may work ako.. di ba

      • Walang katotohanan ang iyong sinasabi tungkol ssa dami ng pera ni Kris dahil malinis na tao si Crory Aquino. Hindi ko masasabi ang ganito sa mga kapatid ni Cory. Pero si Cory, isang anghel iyan ng Diyos.

        Ang kailangan MAGTRABAHO NG HUSTO ay si kristapokpok. Dahil nabigyan ni Jinkee ng maraming pera para tumahimik. Kaya ayaw magsalita dahil baka bawiin ang pera. Eh paano naman ang sex na naibigay na niya ke Manny? Lagay, walang bayad? Ano suwerte? Kung si Michael de Mesa at Dominic Zapata, nahuthutan niya at nabayaran siya sa bawa’t higa niya s akama..yan pang si Manny? Kaya para hindi halatang tumanggap siya ng pera ke Jinkee…KRISTA, hala…higa, tihaya at dapa!!! Sabihan mo ang tatay mo na kumuha pa ng maraming customers para sa iyo. Magaling mambugaw ang tatay mo. Hustler din paris mo.

  9. kris, makipaghiwalay ka na lang kay james dahil wala ka ng tiwala sa asawa mo! hind lang sa iyo umiikot ang mundo, db, loydie? lahat na lang kc gusto mo, kontrolado mo sa iyong palad. hanap ka rin ng guy friend na mag co-confide sa u. me masama ka bang narinig sa txt or sa tawag nung babae? kung wala ka ng tiwala, it’s time to let go!

    • halatang scripted naman yung pagsalita ni kris sa the buzz, paano na yung dalawang side (james and mayen) hindi na ba natin titignan kawawa naman yung si mayen dahil napagbibintangan na walang laban. di katulad ni kris lahat ng facility ng abs-cbn ay para kay kris.

  10. Bumalik na si Lotlot de Leon galing States? Ganoon? So, anong anak niya? Lalaki ba o babae? Naiwan ba muna ke Ate Guy ang bata? Pag uwi ni Ate Guy, kasama na niya ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.