Kris Aquino, goodbye na sa pagiging Taklesa Queen!

OLA CHIKKA! NATUWA ako nang napanood kong muli itong Taklesa Queen na si Kris Aquino sa Showbiz News Ngayon sa Dos. Ibang-iba talaga ang programa kapag si Boy Abunda at Kris Aquino ang magkasama, bagay na bagay

talaga sila kaya walang duda na tumagal ang The Buzz ng 11 years dahil sa galing ng kanilang mga comments and reactions.

Ngunit nakakalungkot man isipin ay ipinagtapat na ni Tetay noong isang gabi sa SNN ang kanyang paglisan sa mga shows na naging bahagi na ng kanyang buhay.

Ayon kay Kris ay sa duration ng pagiging presidente ng kanyang kapatid na si Noynoy ay ipinangako niya na hindi siya gagawa ng ano mang kontrobersiya para hindi na siya pag-usapan at makaiwas din sa pagbabatikos sa kanyang kapatid. Hanggang June 25 na lamang siya sa SNN at June 27 naman sa The Buzz. Ang kanyang teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo ay hanggang August pa kaya may ilang buwan pa para makita nating ang kanyang mukha sa telebisyon.

Matapos ang babang luksa ng kanyang Inang ay tatlong linggo silang magbabakasyon ng kanyang pamilya. Pagsapit naman ng Setyembre ay aayusin na ng istasyon ang mga programang babagay sa mga bagong buhay ng kanilang talents at malamang ay isa na du’n si Tetay.

Base sa aking paningin, hindi naman talaga mawawala si Tetay sa showbiz. Siguro ay gagawa pa rin siya ng mga teleserye at pelikula pero pagdating sa mga shows tulad ng The Buzz at SNN ay tiyak iwas-iwas muna siya upang hindi na madamay pa ang kanyang kapatid at makatulong din sa Malacañang. At tiyak ay huling-huli ang mga gumagawa ng katiwalian dahil sa kataklesahan ni Tetay ay bagay na bagay siya sa Palasyo.

Kaya sa mga naninira kay Kris Aquino, puwede na kayong magdiwang at magpadala ng lechon sa kanyang despedida party at diretso hatid sa airport para sa kanyang bakasyon. At sa oras na ‘yun, mayroon pa kayong tatlong linggo upang magsaya dahil sa pagkawala ng Taklesa Queen ay siyang pagdating ng mas bongga pang Tetay… ang FIRST SISTER! O, anong sey n’yo?!

TALAGANG KAKAIBANG BIYAYA ang natatanggap ng Revilla Family dahil sa kabutihang ipinamamalas nila sa kanilang nasasakupan. Pinagpapala talaga ang mga taong may likas na kabutihan sa puso mula sa kanilang pamilya hanggang sa pinakamababang posisyon ng kanyang mga empleyado. Kaya para sa iyo at iyong pamilya. Congratulations Papa Bong!!!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong young actor na paboritong-paborito ng mga tabloid na lagi na lamang laman ng pitik-bulag dahil sa kanyang kasarian?

Kung noon ay pagpa-powder lamang ang ibinabato sa kanya, ngayon ay pati sex video niya kasama ang kapwa niya lalaki na kumakalat daw umano ngayon sa internet. Tsk, tsk, tsk! Kawawang bata. Kailangan n’yo pa ba ng clue? Mukhang hindi na. Ha-ha! ‘Yun na!

NAIS KO PONG pagbigyan ang kahilingan ng akin anak at humingi ng boto sa inyo sa Clean & Clear Contest sa Facebook account. To vote for Kariz Espeña & Joni Sioson, just visit facebook account. Type tita_s2006@yahoo.com sa search engine and please click the Clean and Clear link sa wall ko. Thanks po!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko

lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

12 thoughts on “Kris Aquino, goodbye na sa pagiging Taklesa Queen!

  1. News Report: DAYAAN SA MEMORY CARD NG PCOS

    isang nakakagulantang na balita: ISA SA APAT NA GURO AY NAGSALITA NA UKOL DI UMANO’Y SA DAYAANG NANGYARI SA PAGKA-ALKALDE SA TAGUIG. BINAYARAN NG TIG-20 MILYON ANG BAWAT ISA PARA PALITAN ANG MEMORY CARD SA PCOS MACHINE NG SA GANUN AY LUMABAS ANG PANGALAN NI LANI CAYETANO AT HINDI KAY DANTE O. TINGA. YUNG APAT NA GURO HAWAK NILA ANG 10 CLUSTER NA KUNG SAN ANG ISANG CLUSTER AY MAY 5 PRECINCT, SA MAKATUWID 50 PRECINT ANG HAWAK NILA AT PINALABAS NA PABOR KAY LAARNI “LANI” CAYETANO DAW ANG LUMABAS.DAHIL DITO NAKAKULONG NA ANG ISANG I.T AT GURO NA GUMAWA NITO.

  2. absolutely enchong dee,..bt according to my mom who is one of the staff of tanging yaman b4,hes not a gay!!sadyang makulit lng tlga c enchong,.n sabi nang mama ko si enchong parang nanliligaw kay charee pineda ung gurl na pretty,,.kaso hnd naging issue kc ayaw nang productionn ilabas kc marami projects na pagbibidahan c enchong with erich!!type ni enchong c charee n even the staff n crew aware bowt it!!n even now they still hve a gud communication

  3. Paano naman yúng milyun–milyong bumoto kay Sen. Noynoy sa pag–asang pág nanalo siya’y agad, dagli’t biglang aalis ng Pilipinas si Kris Aquino? Maski siya na lang mag–isa at maiwan sina Joshua, Beybi James, at James! Paano na po ang aming boto?! :cry: :cry: :cry:

    • Ang ikarimarim mo’y pág umaasta nang parang First Lady Imelda Marcos si Kris – at nagpupumilit bumunghalit ng iyak hwág na hindi makapagpapansin! :lol: :mrgreen: :lol:

    • Hindi pa rin kayo give up? Baka naman magahol kayo sa oras. Andiyan na ang mga Ampatuans na kakuntsaba ni Manny at Gloria. Hinahanap na kayo. Talo sila sa elections kaya walang hanapbuhay mga Ampatuans kundi maging security guard at hit men na lang ni Manny. Takbo na kayo na alipures ni Gabby, Lane, Love It at ibat ibang pangalan pero iisa lang naman pala. KAKAHIYA KAYO. WALANG PRINSIPYO. MGA PATAYGUTOM NA IPINAGPALIT ANG SARILING KALULUWA SA PERA.

  4. AALIS SI KRIS SA SNN AND THE BUZZ??? NOTHING IS NEW, GANYAN NAMAN YAN SI KRIS, SAKIM. HALOS LAHAT NG NEW SHOWS SA ABS GUSTO KANYAHIN. SABAY-SABAY PA. TAPOS PAG MEDYO PINAGSASAWAAN NG PANOORIN NG TAO AT MAY BAGONG PROGRAM IIWANAN NIYA YONG IBA, DOON NA NAMAN SIYA SA BAGO. TANDAAN NINYO, PAGBALIK NIYAN IBA NA NAMAN ANG SHOW. SAKIM KA KRIS. IMAGINE PAG SABAY-SABAYIN MO ANG APAT NA PROGRAMA SAMANTALANG YUNG IBA WALA. ABS-CBN, BE FAIR. SUKANG-SUKA NA ANG MGA TAO SA KAARTEHAN NI KRIS. IBANG MAGANDANG MUKHA NAMAN. ANG DAMING MAGAGANDA. HUWAG NA YUNG MUKHANG MATRONANG HINDI NAARAWAN.

  5. thanks for a positive article re Kris Aquino Ms. Swarding, okay yun na di mo na binanggit name ni Lolit at Cristy na maghahatid kay KA sa Airport, at Ruffa na magpapadala ng lechon, alam naman ng lahat kung sino sino yun mga bitter kay KA.
    thank you again and more power, hope you read my comments..

Leave a Reply

Your email address will not be published.