KRIS AQUINO, GINAGAMIT NGA BA NG MGA PAPARAZZI HOSTS?!

OLA CHIKKA! HANGGANG ngayon nga ay no comment pa rin ang drama nitong si Kris Aquino sa kabila ng mga kaliwa’t kanang pagbabatikos sa kanya. Kung anu-ano na ngang mga komento ang pinagsasasabi nitong mga hosts ng Paparazzi ng TV5 kabilang na sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, Mo Twister at Ruffa Gutierrez na walang humpay sa pagtira rito kay Tetay.

Noong kampanya pa lamang ay si Kris na ang napag-iinitan sa pagtakbo ng kanyang kapatid na si Senator Noynoy Aquino bilang presidente. At mas lalong tumindi nang si Sen. Nonoy na ang papalit bilang pangulo ng bansa.

Dahil sa pagkapanalo ng kapatid, malamang na maraming tao, lalo na ang mga galit kay Kris ang nag-uumusok ang mga tenga sa galit at inis dahil nasasapawan na sila.

Ganu’n kaya ang dahilan kaya itong mga hosts ng Paparazzi ay patuloy ang paninira kay Kris?! Ani pa nila, walang karapatan si Kris bilang humawak ng MTRCB dahil ang sarili niya mismo ang dapat i-censor.

Eh, ano bang tingin nila sa sarili nila?! Napakagagaling ba nilang magkomento at malinis ba ang kanilang record para i-criticize si Kris?! Sabihin na nating napakataklesa niya ngunit alam mong may laman ang kanyang sinasabi hindi tulad
ng iba d’yan na kung anu-ano ang pinagdadakdak eh, wala namang sense. Kahit minsan hindi nasangkot si Kris sa isyung demandahan hindi tulad nitong mga hosts na ito na iba’t ibang kaso na ang naisampa sa kanila.

Hindi kaya strategy lang ito ng show upang pag-usapan sila?! Dahil ilang host man ang ilagay mo d’yan, ngunit kung lahat ay puro patapon na lang, hindi talaga sila magra-rate. Kaya nga pinagsawaan na lang ng ibang mga istasyon, ‘di ba?

Kunsabagay, kung patulan nga naman ni Kris itong isyu na ito ay sila-sila lang din ang sisikat.

PIKON NA PIKON
naman itong ka-parazzi nating si Boy Abunda sa mga naglalabasan isyung ibinabato sa kanya. Kahit siya ay hindi nakaligtas sa mga mata nitong inggitero’t inggitera sa industry.

Paano nga naman siyang uupo bilang kabilang sa administration ni Sen. Noynoy kung kahit isang offer ay wala pa siyang natatanggap. At magkaroon man ng offer sa kanya, paano naman niya ito tatanggapin kung sa pagiging talent pa lamang ng ABS-CBN, puno na ang schedule niya?! Hanggang katapusan pa ng taong 2011 ang kontrata niya at marami pa siyang proyektong ginagawa under Dos kaya sa sobrang busy niya, sa tingin n’yo tatanggapin pa niya ang ano mang posisyon ialok sa kanya upang umupo sa administrasyong Aquino?

ITO ANG HIRAP sa mundo ng showbiz, napakaliit ng mundo para sa industriyang ito para magsiraan at magkainggitan pa tayo. Instead of wasting our time sa pagpapabagsak sa ibang tao, magtulungan na lang upang umunlad ang ating bansa. Baka sabihin na naman ng ating readers na nagmamalinis na naman ako at nagpapaka-plastic. Gaya ng sinabi ko dati at mananatiling sasabihin ko pa rin… ano man ang isipin n’yo nirerespeto ko ‘yun, ngunit ginagawa ko lamang ang aking trabaho at nagsasabi lang ng mga katotohanan. ‘Ika nga nila, TRUTH HURTS!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong bagets actor na tila yata nais magpaka-T-bird?! Yup as in Tibo dahil napanood ko siya sa telebisyon at porma pa lang ay natawa na talaga ako. Sinisira niya ang image niyang ‘Papa’ dahil magsuot ka ba naman ng pantalon na bitin?!

Sabihin nating style niya ‘yun, ngunit ka-parazzi… hindi talaga bagay! Ha-ha! Sino itong bagets actor na sinasabi ko? Pumunta kayo ng kanto baka nakatambay lang ‘yun doon. ‘Yun na!

At huwag n’yo pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMister ni SUNSHINE DIZON, nagbababad sa isang bar sa Pampanga?!
Next articleKitkat, bangungot pa rin ang ex-boyfriend!

No posts to display