Kris Aquino, ginagamit lang si Baby James para mapag-usapan?!

OLA CHIKKA! NAIS ko lamang linawin ang mga komento sa isinulat ko tungkol kay Marian Rivera noong Martes. Hindi ko ipinagdidiinan at ipinipilit na meron na siyang anak. Kung natatandaan n’yo at marunong kayong magbasa, sinabi ko roon na “hindi ako naniniwala”.

Ibinahagi ko lamang dito sa Pinoy Parazzi ang nangyari sa programa ko sa DZRH, kaya kung anuman ang pagkakaintindi n’yo at mga sinasabi n’yo sa akin sa e-mails, phone calls at text messages, nirerespeto ko po ‘yun.

Basta ginagawa ko lamang ang aking trabaho at nagiging patas lang ako at sinisigurado na walang kinakampihan o pinagtatakpan na sino pa man.

NARINIG KO RITO sa aking parazzi girl na itong si Derek Ramsay raw ay talagang mabenta sa kababaihan ngunit karamihan sa kanila ay may mga sabit? Paanong sabit?

Una rito, ang maybahay ni Manny Pacquiao na si Jinkee, at sumunod itong si Gretchen Barretto. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi malalaglagan ng panty rito kay Derek? Eh, kahit ako ngang bading, halos magkandarapa kapag nakikita itong si Derek, eh paano pa kaya ang mga tunay na babae?!

Ngunit sorry na lang ang mga kababaihan na nahuhumaling kay Derek, dahil tiyak na wala na siyang kawala rito sa kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban, bhuket? Dahil dukot pa lang ay siguradong wala na siyang ligtas.

Ha-ha!

NATAWA NA NAMAN ako rito sa sinabi ni Kris Aquino na ayaw na raw niya munang mag-showbiz ang kanyang anak na si Baby James. Eh, bakit sino ba’ng may sabing isali mo siya rito sa magulong industriya ng ating hanapbuhay?!

Tanong ko lang… hindi kaya naubusan ka na ng mga gimik para mapag-usapan at pati si Baby James ay isinabak mo na? Kung sa bagay, ano ba’ng karapatan naming mangialam eh, ikaw ang ina. Ha-ha!! Bakit, dahil ba sumablay si Baby James sa pagsambit ng kanyang presidentiable ay evicted na agad siya sa showbiz? Kawawang Baby James, pagkatapos ng lahat ng efforts niya, paggising sa madaling-araw, pagpunta kung saan-saan at kung anu-ano pa.

Tama nga naman Kris. Pag-aralin mo na lang muna ‘yang anak mo at tiyak ‘pag ‘yan ay nagbinata, tiyak na pagkakaguluhan pa rin yan. ‘Di ba ang taray?!

BLIND ITEM: SINO siya? Sino itong dating young actor na napapabalitang bading dahil sa kanyang line of business? Naku, huh!

Ang balita kasi ay kaya raw nawala ito sa showbiz industry ay nagpakabading na raw. Busy-busy-han daw sa pagiging fashion designer sa ibang bansa!

Excuse me pow! Hindi d’yan ibinabase ang pagiging bading! Ha-ha! Pamilyado na kaya ito young actor na ito kaya malabong kabilang siya sa aming pederasyon!

Gusto n’yo ba ng clue? Pumunta kayo ng EDSA corner Congressional at doon ay malalaman n’yo ang kaniyang apelyido. Ha-ha! ‘Yun na!

At mula sa kaibuturan ng aking puso ay masaya kong ibinabalita na kabubukas po lamang ng aming OLA CHIKKA PRODUCTIONS. For radio guestings, shows, advertisements at kung anu-ano pa, Maaari po kayong tumawag sa 417-6181 at 09274284216. At maaari n’yo pa rin po akong pakinggan sa DWBL at DZRH sa ganu’ng pa roon pong oras.

Thank you very much and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleParazzi Chikka: Naka-move on na si Rayver Cruz
Next articleAyon kay VJ Andrei – Jennlyn Mercado, two-timer!

No posts to display