Kris Aquino, ginagamit ang pelikula mapansin lang ni James Yap?!

OLA CHIKKA! MATAPOS ang ilang buwang pagkawala ng Queen of Media na si Kris Aquino sa mundo ng showbizness ay muli siyang nagbabalik upang gumawa ng eksena. Puro mukha na naman ni Tetay ang makikita mo sa mga tabloid ngayon dahil nga sa pinag-uusapang horror film entry nila sa Metro Manila Film Festival para sa taong ito.

Noong Martes, ginanap ang presscon ng Dalaw under Star Cinema, kung saan makakaparehas niya si Diether Ocampo. Instead na si Papa Diet ang pag-usapan, napunta ang spotlight dito sa soon ex-husband niyang si James Yap dahil sa hindi inaasahang pagkakataong kasali pala siya. Sa isang eksena daw kasi sa movie, kailangang kunan ang balikat at likod ng isang lalaki ngunit hindi naman daw nababagay kung likod ni Diet kaya naghanap sila ng lalaki na medyo malaki ‘yung katawan at halatang nagwo-workout.

And since isa si Kris sa mga producer ng pelikula, hindi na nakatanggi si James na pumayag dahil sa alok na siya na lang ang kukunang lalaking nakatalikod na kayakap ni Tetay.

Kung sa bagay, kapag tumanggi si James at hindi pumatok ang pelikula ay hindi lang si Kris ang maapektuhan sa pagkatalo kundi maging si Bimby ay apektado kapag nalugi ang kanyang madir, ‘di ba?!

Asus! Malamang gimik lang iyan ni Kris for two reasons: Una, para pag-usapan ang pelikula dahil nasaksihan naman noon ng madlang people kung gaano sila magbakbakan laban sa isa’t isa, tapos ngayon makikita mo na lang magkayakap sa pelikula? Mukhang effective ang drama ni Kris ah! Hindi lang siya pag-uusapan, kikita pa siya kung nagkataon.

Pangalawa, nanamantala lamang iyang si Kris. Haha! Joke lang! Kunwari pang si Bimby ang natutuwa, hindi lang niya maamin na pati siya kinikilig. Kaya kahit tapos na ang shooting ay magkayakap pa rin sila off-cam. Hindi kaya nagpapapansin lang si Kris kay James? ‘Wag nga tayong malisyosa, kapag sinabi ni Direk na magyakapan, sunod na lang! Hindi ba, Direk Bimby?!

Abangan na lamang natin ang kahihinatnan ng gimik na ito at kung uubra ba ang pagiging Horror Queen niya laban sa mga nagbibigatang entries para sa MMFF 2010. Paalala mga kaparazzi, tangkilikin ang sariling atin. Pak!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong female TV host na ilang araw na ring sinasakop ang espasyo sa aking column dahil sa balitang pagkasabik nito sa S?! Kung noon, balitang nagbabayad siya ng call boy sa Espanya upang makaraos ay ibahin n’yo ang chikka ko ngayon.

Minsan rin pa lang nakatikim ng masarap na putahe itong gurangers na TV host, dahil ayon sa aking parazzi girl na malapit sa host, ito raw guwapong actor na sikat na sikat ngayon na kung sino-sinong babaeng nali-link sa kanya ngayon ay na-booking na raw ni TV host.

Noong hindi pa raw kasi sikat si guwapong aktor, madalas daw itong kasama ni TV host sa mga out of town shows at dahil sa sobrang pagkagusto ni TV host, pinilit niyang matikman ang guwapong aktor. At ano man daw ang sabihin ni TV host ay ginagawa raw talaga ng aktor dahil siyempre para sa career hindi dahil sa chakang TV host, ha? Feelingera!

Kung malalaman n’yo lamang kung sino itong si guwapong aktor, malamang hindi na siya yummy sa inyong paningin kahit gaano pa man siya kaguwapo at katisoy. Ha-ha!

Wag n’yong sabihing hindi n’yo pa rin gets, ha?! Kung ganu’n, pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:00 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Kris Aquino, ginagamit ang pelikula mapansin lang ni James Yap?!

  1. …Swarding…Inggit ka noh!!!dahil hindi ka babae at di tulad ni Kris na mabenta sa madlang people.gawin kong pang kalaykay yang nakausli mong ngipin dyan , makita mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.