Kris Aquino, gamit na gamit si Ted Failon!

HANGGANG NGAYON PALA, hindi pa rin alam kung pababalikin pa si Denise Laurel sa Kristine.

Magmula kasi nang mag-inarte ito ay hindi na nagdalawang-isip ang ABS-CBN management na pagpahingahin muna ito. Abala nga naman kasi siya sa taping kung parati siyang magrereklamo at ayaw niyang gawin ang mga maiinit na eksena kasama si Rafael Rosell.

Hindi namin malaman kung bakit nag-iinarte itong si Denise, gayong alam na alam naman niya na mature role ang kanyang gagampanan. Masyado na yata siyang feeling.

Sa kanyang kaartehan, malamang ay hindi na matupad ang matagal na niyang pangarap na mag-solo sa primetime. Kung ngayong starlet pa lang siya, nag-iinarte na siya, how much more kung maging bida na siya? Eh, ‘di lalo lang niyang pinasakit ang ulo ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

ISANG BRAND NEW BMW ang iniregalo ni Erik Santos sa kanyang sarili bilang Christmas gift.

Ayaw namang sabihin ni Erik kung magkano niya nabili ang sasakyan. Hindi kasi siya mayabang katulad ng ibang celebrities na pati halaga ng bag ay ipinagsasabi para mapag-usapan lang.

Wala mang love life, bawing-bawi naman si Erik sa kanyang career. Bukod sa concerts here and abroad, nag-launch din siya ng Christmas album niya, ang All I Want This Christmas.

“Mainit dahil masaya naman ako sa nangyayari sa career ko. Actually, ‘yung 2010 sobrang blessing po talaga itong year na ito sa akin. Malamig kasi nga wala pang love life,” esplika ni Erik sa tanong kung  mainit o malamig ang kanyang Pasko

this year.

When asked kung ano ang mahihiling niya this Christmas: “A new love at sana for life,” ang walang kagatul-gatol na sabi ni Erik.

Eh, ano si Maja Salvador na natsismis sa kanya dati?

“Si Maja Salvador? Hindi ko siya girlfriend. Lahat naman sila ay aking mabuting kaibigan. Ano lang naman ‘yon, kumbaga hinahangaan. Hanggang doon lang naman ‘yon,” esplika ni Erik.

Kasama sa Christmas album ni Erik ang mga favorite Christmas carols tulad ng First Noel, Silent Night, Christmas Is and Sana Ngayong Pasko.

GAMIT NA GAMIT ni Kris Aquino si Ted Failon sa kanyang mga interview para sa promotion ng kanyang MMFF entry na Dalaw.

Pinaglaruan ni Kris si Ted at parang pinalalabas pa niyang ito ang closest guy sa kanyang buhay ngayon. But it appears na scripted ito lalo pa’t napapabalita na magtatambal sina Kris at Ted sa isang talk show sa ABS-CBN.

Kung totoo ito, gimik nga ang pinalalabas ni Kris na closeness nila ni Ted. Kahit na sabihin na nating close talaga sila, why exploit the issue and push it further to drum up interest?

Matagal nang walang ingay si Kris kaya naman ngayon ay naghahabol siya para muling uminit ang kanyang pangalan. The best and surest way she can think of para pag-usapan is to create intrigue and she’s quite successful. But only to

some extent!

Gamitin ba ang nananahimik na si Ted Failon? Helllooooo!!!!!


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

9 thoughts on “Kris Aquino, gamit na gamit si Ted Failon!

  1. Pingback: Kris Aquino, gamit na gamit si Ted Failon! | Pinoy Parazzi | Pnoy Talks

  2. oo nga iyang c kris ang super pasaway laosyan deep naman kya dami niyang ginagamit at cya rin ang umayaw kay shalani iyong utol naman niya sunod ng sunod 50 yrs.old na wla pang sariling pagiisip ndi naman cya pang masa kc ugaling amerkano hahahahaha

    • ang meaning cguro ng laos ay blockbuster, kaya tingnan mo ang movie ni kris ano ang nangyari dahil laos #3 lang sa filmfest.100,000 plus lang namn ang kinita eh.punta ka kaya at magtanong baka gustong mag share ng bonus

Leave a Reply

Your email address will not be published.