Kris Aquino, eeskapo ng bansa pagbaba sa puwesto ni PNoy

Kris-AquinoNOONG LUNES pagkatapos ng kanyang Kris TV show, kung saan nasa Pangasinan naman ang location nila as part of the show’s Summer Season, naging trending sa social media ang statement ng Queen of All Media sa planong pagtira ni Tetay sa Amerika next year (2016).

Yes, nagpaplano na si Kris na mamaalam sa showbiz at sa kanyang bansang “minamahal” para pansamantalang tumira sa US kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

In short, sa pagtatapos ng panunungkulan ng kapatid niya na si PNoy sa Pilipinas, malamang sa hindi, eeskapo na rin si Tetay. Ang dahilan niya, gusto niyang maranasan ng anak na si Bimby ang simple at ordinaryong buhay.

Ewan ko kung seryoso kaya si Kris sa ipinahayag niya last Monday or tsika lang para may point of discussion sila ng “bestie” niya na si Karla Estrada na guest niya sa naturang episode.

Sa pag-uusap nila ng ina ng Teen King na si Daniel Padilla (marahil, ang label na ito ng binata kaya nag-iilusyon ang ina na siya si Queen Mother na super kapal na walang pagtutol, kaloka!), sabi ni Tetay, “Wala na ako rito next year, Mare. I’ll live in America. Gusto ko talagang tumira sa States nang one year para ma-experience ni Bimb.

“Gusto ko lang ma-experience ni Bimb ang mag-ano… kasi sinabi ko sa kanya, feeling ko na naging mas rounded akong individual kasi nag-aral ako abroad and natuto ako lahat ng gawain for myself. Gusto ko talagang ma-experience niya. Mag-school bus, ‘yung bus stop, lalakad siya.”

Kung maaalala pa during the time na on exile ang ama niya na si Ninoy Aquino para isalba ang buhay ng pamilya niya mula sa diktaduryang rehimen ni Ferdinand Marcos, tumira at namuhay nang normal ang pamilya ng Queen of All Media sa Boston, Massachusetts.

Pagmamalaki pa niya sa nanay ni DJ na natuto siya sa paggamit ng washing machine.

Sa pagbaba ng kapatid na si PNoy sa pagkaluklok bilang presidente, magiging normal na muli ang buhay ni Kris. Ewan ko lang kung sa pagiging normal ng buhay niya next year, baka rito naman siya sisingil ng mga taong may “pagkakautang” sa kanya.

Basta ako, naalala ko nu’n na bago maupo si PNoy sa Malacanang, ‘di nga ba’t nagpaalam na rin si Kris sa showbiz nu’n?

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJoross Gamboa, naiiba raw ang pagganap bilang bading sa pelikula
Next articleKobe Paras, slam dunk king pa rin

No posts to display