Kris Aquino, dinedma ang bossing ng kumpanyang ini-endorse sa harap ng sub-ordinates?

Kris-AquinoHINDI NAMAN yata tama ang inasal ni Kris Aquino, kung totoo man ‘yong balitang nakarating sa amin. ‘Di nga ba’t dapat, bilang endorser ng isang malaking kumpanya, at least ang kanyang pakikipag-PR sa mga big boss ay hindi sala sa init, sala sa lamig?

May nakapagbalita sa amin recently na minsang dumalaw si Tetay sa kumpanya ng iniendorso niya, she met one of the big boss of the company. As courtesy, ‘and’yan ang meet and greet segment sa kanyang pagdalaw at pagpapakilala ng mga bossing sa kanilang bisita the fact na client sila ni Kris.

Kaso that day nang dumalaw siya si Tetay sa HQ ng kumpanyang iniendorso niya, tila wala raw sa mood ang Queen of All Media, kaya nang iaabot ni Bossing ang kanyang kamay to “welcome” Kris, dinedma raw nito ang kaharap.

Kaya hayun, napahiya si Big Boss sa inasal ni Kris. Ang nakakaloka pa, kaharap diumano ang sub-ordinates ni Bossing nang maganap ang hindi pakikipag-kamay ni Kris sa isa sa mga malalakign tao ng kumpanya na ini-endorse niya.

Ang ganitong mga insidente, hindi na bago na maririnig mong complaint mula kay Kris. We just hope hindi ito totoo.

Kaliwa’t kanan na rin naman kasi ang mga tsika na naglabasan noon bago pa ito sa “asal” na hindi maganda ng TV host.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Kris Aquino, dinedma ang bossing ng kumpanyang ini-endorse sa harap ng sub-ordinates?

  1. well magdusa sila no? KRIS can buy them KRIS can destroy them ika nga KRIS can make or break a product kaya yan mga malalaki laking tao kuno? naku sisiw yan kay KRIS no?

Leave a Reply

Your email address will not be published.