Kris Aquino, dinalhan na ng damit si Noynoy

KAAGAD NA NAGTUNGO ang popular TV host-actress na si Kris Aquino sa kanilang tahanan sa Quezon City matapos na isapinal ng Kongreso ang ginagawa nitong canvassing para sa presidente at bise-presidente.

Napagwagian ng kanyang Kuya ni Kris na si Benigno “Noynoy” Aquino III ang laban sa pagka-presidente sa nakalipas na May 10 automated elections, kung saan nakakuha si Noynoy ng malaking lamang na mahigit limang milyong boto sa pinakamalapit na katunggali nito, si dating pangulong Joseph Estrada.

Pero hindi nagpaunlak ng interbyu si Kris nang tanungin ito ng mga mamahayag na sumusunod sa kanyang Kuya kahit noong pang panahon ng kampayahan.

Sinabi lang ni Kris na nagtungo lang siya sa kanilang tahanan para magdala ng damit sa kanyang Kuya Noynoy.

Habang ginagawa ang report na ito, hindi pa rin tumutugon ang bagong halal na pangulo sa mga hiling ng media para sa isang interbyu kaugnay ng resulta ng canvassing. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Previous articleUnang nagsumite ng gastos sa eleksiyon: ENRILE, P143-M ANG INILABAS
Next articleNaghahanda sa Electoral Protest: Roxas, Binati na si Noynoy

No posts to display