Kris Aquino, ‘di nagparamdam ng pakikiramay kay Ai-Ai delas Alas na namatayan ng ina?

Ai-Ai-delas-Alas-Kris-AquinoSTAR OF All Media talaga si Kris Aquino. Kahit nasa London siya para magbakasyon kasama ang dalawang anak, usap-usapan pa rin siya.

Bukod sa nakakalokang award na hinirang ang My Little Bossings as 3rd Best Picture, isyu rin kay Tetay sa hindi nito pakikipagdalamhati sa “best friend” na si Ai-Ai de Las Alas nang mamatay ang biological mother nitong huli.

Wala man lang tawag to condole the Queen of Comedy. Wala man lang text message. Ni bulaklak na “korona” para sa patay; wala man lang ipinadala ang sinasabing BFF ni Ai-Ai habang nag-e-enjoy ito sa kanyang bakasyon.

Siguro, kanya-kanyang istilo lang ‘yan kung papaano mo tatangapin ang kamatayan ng isang mahal sa buhay ng sinasabi mong “BFF” mo. Maging si Ai-Ai, deadma na lang. Nang tanungin siya about Kris, cold reply lang ang nagmula kay Ai-Ai na bilang paggalang sa namatayan, hindi na inurirat pa.

Pero para sa komedyante, sa darating na presidential election, si incumbent Vice President Jejomar Binay ang president niya sa 2016. Si Binay ay nasa kalabang partido ni PNoy na ang manok ay si DILG Sec. Mar Roxas.

Sa pagbabalik ni Tetay, isang issue pa ang dapat niyang sagutin ay ang tungkol sa offer ni MVP sa kanya na lumipat siya sa kuwadra nito sa 2014.

Bago nagbakasyon sa London si Kris, nakipa-dinner muna ito kay MVP to discuss some important details. Kung lilipat man si Tetay sa istasyon ni MVP.

Si Kris, always a hot copy kahit hindi niya sinasadya na pag-usapan siya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Kris Aquino, ‘di nagparamdam ng pakikiramay kay Ai-Ai delas Alas na namatayan ng ina?

  1. Writer, hindi ba talaga nagpa damdam as in hindi nag text itong si Titay? Akala ko ba may interview si Ai Ai na nagsabi sya na nag text daw sa kanya si Tetay pero dine dedma lang daw nito ang text ni Tetay. Sino ba ang nagsabi ng totoo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.