Kris Aquino, ‘di na p’wedeng i-link kung kani-kaninong lalaki

1 Kris-AquinoNGAYONG KUMPIRMADO na ang relasyong Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, kung saan kinumpirma ng TV host ang tungkol dito sa Aquino and Abunda nu’ng April 7, siguro naman ay katapusan na rin ito ng ma-link pa ang pangalan ng TV host kung kani-kaninong lalaki. Naugnay kina Daniel Matsunaga at Derek Ramsay, kung saan pareho namang idenenay ng dalawa at kaibigan lang talaga ang turing nila kay Kris, mabuti na rin ang ginawang pag-amin na ito ng TV host para huminto na rin ang pagpo-post niya sa kanyang Instagram ng mga mensahe na maaaring mabigyan ng kulay ng ibang tao.

Ang inaalala lang namin ay si Ms. Tates Ganna na ilang dekada na ring live-in partner kung saan may dalawang anak sila ni Mayor Bistek na parehing teenagers na. Ang sakit namang isipin na pagkatapos ng mga sakripisyo na ginawa niya, kung saan halos umikot ang buhay niya sa pagiging ina ng mga anak nila ng actor/politician at pagiging katuwang nito sa buhay ay ganito lang siya mawawala sa buhay ni Mayor Bistek.

Sa ilang ulit na pagkikita namin ni Ms. Tates, wala kaming masasabi sa bait at pagiging madaling kausap nito. Sa pag-ibig, kahit sinasabi nilang pantay-pantay ang lahat, madalas pa rin na nanalo ang may pera at may pangalan lalo’t kung alam mong malaki ang maitutulong nito sa iyong ambisyon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.