Kris Aquino, ‘di kailangan ng publicist

1 Kris-AquinoTULAD NG naisulat namin kamakailan, hindi kailangan ni Kris Aquino ng publicist. Not even her goodfriend Boy Abunda can teach Kris how to market herself.

Bawat kembot ni Tetay, p’wedeng ma-headline. Kahit umutot siya, keri niyang gawing isyu para mapag-usapan ng publiko. Mag-post lang siya ng kng anu-ano sa kanyang social media account, asahan mo, may opinion ang publiko lalo na ang followers niya.

Suma-total, si Kris, siya ang balita na binabasa, inaabangan ng publiko lalo na ng media.

Sa recent Instagram posting niya na: “Being friends with your ex shows you two are mature enough to get over the fact that you two weren’t meant to be together.”

Sa posting pa lang ni Kris na ‘to, alam mo na na may kasunod na naman na kaganapan na dapat abang-abangan.

Heto’t noon April 1 (April Fool’s Day); ewan ko kung totoo o inu-unggoy lang niya ang dating mister na si James Yap na iniimbitahan niya ito sa 7th birthday ng anak nila na magaganap sa April 17 bukod sa usapan nila na maghahati sila sa gastusin ng naturang party na siguro sa sobrang laki ng cost ng party; pabirong reply ni James kay Kris na nalaglag siya sa upuan nito na ang ending go si Papa James sa ano mang gastusin para sa birthday party ng anak.

Sa katunayan, may pahabol pa nga na kung gusto ni James ay isama niya ang girlfriend na si Michaela.

Kung sakali, this will be the frst time na magkikita ng personal at magkakakilala ang ex at ang present.

Sabi nga ni Kris sa kanyang Instagram: “We’re not yet there but we are almost friends again,” na magandang senyales lang na nagkakasundo na sila.

Biro nga ni Pokwang sa Queen of All Media sa recent Tagaytay episode, magde-debut na raw ang kaibigan lalo pa’t may maturity na ito na naabot para sa sarili which for us is good. Hindi na siya bratty.

Sa ngayon, pareho na ang mga magulang ni Bimby ang magkatuwang sa pag-aalaga sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Kris Aquino, ‘di kailangan ng publicist

  1. Sus Maria! Galing sa mayayamang angkan ito na shock ako pati rin pala sila–UMUUTOT!!! WAAAHAHAHAHAHAHA!

  2. correct ka diyan RK…di kailangan ni Ms Kris Aquino ng publicist dahil sya ang inaabangan ng mga journalist lahat ay nanonood ng Kris TV araw araw ng hihintay sa bawat buka ng bunganga ni Kris kung ano ang mga sasabihin nya sa kanyang buhay…kaya fun ako ni Ms Kris Aquino…love love love.

Leave a Reply

Your email address will not be published.