Kris Aquino, desperada sa lovelife?

Kris-AquinoTILA INGGIT si Kris Aquino sa showbiz personalities natin na kung may nagpo-propose ng marriage ay mga ikinasal na.

Sa taong ito, nauna sina Iya Villania at Drew Arellano. Ang recent kasalan nina Karylle at singer na si Yael Yuzon, at only last week ay ang pangalawang pagpapakasal ni Miriam Quiambao kay Ardy Roberto, Jr. na isang businessman at manunulat.

Usap-usapan ang paandar na marriage proposal ng basketbolistang si JC Intal kay Bianca Gonzalez sa isang madaling-araw sa NAIA hour before lumipad ang dalaga patungong London para mag-aral ng acting at design.

Sa Kris TV nang bisitahin ni Tetay ang isang simbahan sa Pampanga (the name of the town skipped our mind while we write this column) na ang patron saint ay si Sta. Rita (baka ito nga ang bayan ng Sta. Rita, Pampanga) at sinabi sa kanya na ang santo ay patron ng mga desperada, napatili na may konting kilig sa binitawang linya ni Tetay na: “I love her… Siya na…” na reading between the lines, tila desperate na nga siyang makahanap ng kanyang “one true love”.

Kamakailan, talked of the town siya sa usaping lovelife niya. Una, sinabi niya na she was dumped by her suitor na isang foreigner (sa kanyang kaarawan pa man din pero walang identity ‘yong manliligaw); si Bataan Gov Albert Garcia (na hindi talaga pupuwede at ayaw ng mga Bataan at baka kumulog at kumidlat); at ang recent at pinag-uusapan ngayon na ibinibitin-bitin pa niya ay si QC Mayor Herbert Bautista.

Sa mga kaganapan sa buhay ni Tetay na hindi mag-swak nang sakto ang kanyang hinahanap na lovelife at halata mo na naiingit siya sa mga showbiz personalities natin na ikinasal na at may nag-propose ng kasal sa mga kaibigan niya, siguro kailangan na niyang magsimulang mamanata kay Sta. Rita para maibulong doon sa Itaas ang minimithing pag-ibig niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Kris Aquino, desperada sa lovelife?

Leave a Reply

Your email address will not be published.