Kris Aquino at Derek Ramsay, kumpirmado na ang pagsasama sa pelikula

Kris-Aquino-Derek-RamsaySA PRESSCON ng M: Mother’s Maiden Name na pinagbibidahan ni Zsa Zsa Padilla at palabas na ngayong Miyerkules (Jan. 21), kinumpirma ni Atty. Joji Alonso (producer ng Quantum Films) na may gagawing pelikula si Derek Ramsay sa Star Cinema kasama si Kris Aquino, at isa ang Quantum Films sa co-producers nito.
Ayon pa kay Atty. Joji, Chemistry ang magiging tentative title ng Derek-Kris movie na si Chris Martinez ang sumulat ng script at magdidirek. Co-producer din ng pelikula ang Regal Films at production outfit ni Kris.
“Magsisimula na kaming mag-shoot sa May, pero ang target naming showing ay sa last part ng September,” excited niyang tsika.
Dagdag pa ng lady producer, “Romcom ‘yung gagawin nina Derek at Kris, pero medyo matured na nang konti.  Maganda ‘yung material ni Chris Martinez, nakakatawa. Married sila to somebody else tapos something will happen and then they’ll find themselves somewhere.
“Kasama rin si Eugene Domingo sa movie. Para siyang Whoopi Goldberg sa Ghost dito. Ganu’n kalaki, ganu’n ka-significant ‘yung role niya.”
Masaya ring ikinuwento ni Atty. Joji na dahil kumita ang English Only, Please ay bibigyan niya ng bonus sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.
“Alam na nila kung magkano ang kanilang matatanggap. Pero baka by February ko pa ‘yon maibigay. Ngayon lang ako makakapagbigay ng ganu’n kalaking bonus. Hahaha,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

3 thoughts on “Kris Aquino at Derek Ramsay, kumpirmado na ang pagsasama sa pelikula

  1. K A P U T A – P U T A H A N talaga ang tetay. Diring-diri sigurado si Derek pag nagpapahimud sa kanya, kaso di matanggihan sa ngalan ng magandang kapalaran.

  2. he he isang Romcom movie…Kris and derek..wow ha!,,,well tingnan natin,,,noong ginagawa ang English only…halos abonado ang Producers na sina ( atty. joji. Jen at Derek )…ang di pa sigurado kung kikita ang movie,, he he pero ng kumita ang Movies,,he he ang star cinema…agad… nakaipag usap sa producer na si Atty Joji,,,makipag tie up daw sa kanila sa next project he he…..dami kayang maiingit diyan. sa kapamilya na gustong gumawa ng ganyang genre..he he isa na dun si sarah, kim,,hahahah papano yan nauna na si Kris sa kanila he he

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.