Kris Aquino, dedma sa kasal ni Korina Sanchez?!

MAY SAKIT SI Willie Revillame kahapon kaya si Kris Aquino ang pansamantalang humalili a kanya sa Wowowee.

Bongga naman ang naging reception sa kanya at swak na swak naman ang rapport nila ni Pokwang at iba pang co-hosts ng show.

Nag-moment pa nga ito nang todo sa pag-promote ng album nila ng anak na si Baby James at nakiusap pa sa mga fans na gawin namang number one ang album nila. The thing is, ‘yung album yata ni Willie ang numero uno.

Anyway, may mga nagulat lang na ilang mga kaibigan natin sa tila dedma raw na reaction ni Kris tungkol sa kasalang Korina Sanchez at Mar Roxas.

Ayon sa nagtsika sa amin, “Binati namin siya sa Wowowee kanina. Magaling siyang mag-live show. Pero nagtaka lang kami nu’ng batiin namin siya tungkol du’n sa napanood namin sa SNN na balitang pamamanhikan ni Senador Mar kay Korina. Sinabi kasi sa news na si Baby James na nga ang ringbearer, so masaya namin itong itinanong sa kanya. Aba, hindi lang niya iniba ang isyu, talagang dedma siya.”

Ano ito? Totoo kaya na may ganitong kaganapan? Maipaliliwanag kaya ito ni Kris?

TOTOO NAMAN KAYA ang natapilok din naming balita hinggil sa isang TV host-part-time actress na mayroon diumanong lagnat ngayon at suspect din sa pinangangambahang A(H1N1) virus.

Kaya nga raw hindi ito napapanood sa TV ngayon dahil daw sa naka-quarantine ito sa bahay nila dahil diumano sa naturang sakit. Pero hindi naman ‘yun ang gist ng kuwentong ito kundi ang dahilan kung bakit siya diumano ay nagkaroon ng naturang flu.

Ayon sa tsika, baka nga raw nakuha niya ito mula sa isang out of the country coverage na kanyang ginawa last month. Okey na sana ang isyu kung hindi nag-segue ang aming source na takot na takot nga ang kanyang kasalukuyang ‘lover’ na mahawa sa kanya kaya raw pinauwi muna ito sa kanilang bahay. Bantog sa pagiging palikero at lover ng magaganda, sexy at batang mga babae ang lalaking ito na isa ring matikas na pulitiko.

Minsan nang naeskandalo ang TV host part-time actress na ito, pero mas nakakaeskandalo nga ang nalaman naming siya ang flavor of the month ng naturang bantog na pulitiko at kaibigan ng mga magaganda sa showbiz.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

10 thoughts on “Kris Aquino, dedma sa kasal ni Korina Sanchez?!

  1. tanga lang ang may ayaw kay kris…ok nga sya kasi hindi boring maraming matutunan! bobo lang ang hindi makaka appreciate sa kanya!

  2. Tactless, no diplomacy, clueless of her surroundings except for herself and her family, I love myself syndrome. Me myself and I . Hope she finds her match soon.

  3. nkkaumay na si kris! paging abs, bawas-bawasan nyo nman ang exposure ni kris at nkkainis na! mbuti na nga lang at nplipat ng time slot ang pinoy bingo nights! sabado na lang ata na hindi mo mkkita si kris sa abs! pgpahingahin nyo na ang alaga nyo muna.

  4. bakit ba ikaw kris aquino ay ang hilig-hilig rumampa pag ikaw ay naghu-host sa the buzz at snn? Sana bawas-bawasan mo ang kaartehan mo dahil maraming nasusuka sa kaartehan mo at isa na ako duon. Matalino ka pa naman..

Leave a Reply

Your email address will not be published.