Kris Aquino cannot be sure of Diether Ocampo

TANGING SINA JOSHUA at Baby James lang ngayon ang mga lalaki sa buhay ni Kris Aquino na sure siya na talagang nagkapagpapaligaya sa kanya ngayon. Ito siyempre ay pagkatapos ng paghihiwalay nila ng kanyang dating husband na si James Yap. Masalimuot at sobrang kontrobersiyal ang buhay ni Tetay, dahil nasa showbiz nga siya. Pero kumportable ang kanyang buhay, at alam niyang iyon ang isa sa maraming pagpapala na dapat niyang ipagpasalamat sa Diyos.

Pero ang lovelife ni Kris ay talagang semplang sa ngayon pagkatapos na mawala sa buhay niya si James. Kaya marami talaga ang nagtataas ng kilay kung lagi na lang idinidikit sa kanyang pangalan ang mga katulad nina Makati Mayor Jun-Jun Binay, Ted Failon at Diether Ocampo. Mahilig si Tetay sa guwapo, kaya hindi bagay sa kanya ang kasimplehan ni Mayor Binay. Ek-ek lang ‘yung tungkol sa kanila ni Failon, dahil nagkaroon ng plano na pagsamahin sila sa isang programa. Kuwestiyonable naman ‘yung sa kanila ni Diet, dahil sabi ni Tetay ay ayaw na niya sa lalaking mas bata kesa sa kanya.

Kung sa kaguwapuhan, siyempre’y pupuwedeng kahit sabihin ni Kris na magkaibigan lang sila sa ngayon ni Diether. Pero pupuwede rin namang magkaroon iyan ng malisya at mauwi sa relasyon. Kaya lang, mukhang kung mauwi sila sa relasyon ay hindi rin naman sila magtatagal. Kasi nga, mas bata kay Tetay ang guwapong actor. Tsaka, kabahan na rin si Kris, dahil mahaba na ang listahan ni Diet ng mga babaeng dating nakarelasyon na nakahiwalayan. Ang mga may pangalan na nakahiwalayan ng guwapong aktor ay sina LJ Moreno, Kristine Hermosa at Rima Ostwani. Malihim si Diet, kaya hindi natin kilala ang mga babaeng hindi taga-showbiz, na nakahiwalayan din niya.

Tama na nga ‘yang ganyan, na kapag may awards night ay puwedeng karayin ni Kris si Diether, para may guwapo siyang kasama. Nakakakaba talaga na maging magkarelasyon sila, dahil pareho silang suki ng sitwasyong nauuwi sa hiwalayan ang mga nagdaang pakikipagrelasyon.

BLIND ITEM: SINO itong mahusay na aktres na maituturing na isa rin sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, pero may kakuriputan sa pagbili ng kanyang pang-make up para mas lalo pa siyang gumanda? Nu’ng kanyang kasikatan na milyun-milyon ang kanyang ta-lent fee sa mga pelikulang kanyang ginagawa, may nakakatuwang kuwento tungkol sa kanya na ilang kapwa niya artista at ilang press lang ang nakaaalam.

Regular na napapanood noon ang maganda at  mahusay  na  aktres sa  isang  Sunday   variety show na ang main host ay ang beteranong komedyanteng ang drama ay walang tulugan. Puro patok sa takilya noon ang mga pelikula ni aktres, pero dahil tumatanaw siya ng utang na loob sa komedyante, hindi niya iniiwan ang Sunday show na iyon. Magaganda rin ang ibang aktres na kasama niya sa show, pero hindi nila puwedeng kabugin si Best Actress.

Napansin ang pagiging kuripot ni Best Actress sa kanyang pampaganda, dahil ma-runong siyang mag-make up sa kanyang sarili. Minsan, isang grupo ng press ang nag-interview sa kanya. Habang tsinitsika siya, ay nagre-retouch siya ng make-up. Kuntodo pahid siya ng powder sa magandang face niya. Napamulagat  ang  mga  press  nang  masul-yapan ang ginagamit niyang face powder. Kasi, pudpod na ang lalagyan noon sa pagkaubos, at lata na ang kinukuskos ng ispongha niya at ipinapahid niya sa mukha! Hindi man lang bumili ng bago, eh, milyones ang kinikita niya?

May asawa na ngayon si Best Actress, at milyonaryo ang napangasawa niya. May dalawa na silang anak. Walang kupas ang kanyang kagandahan, at walang niretoke sa mukha niya. Ang tanong: Nagtitipid pa rin kaya siya ngayon sa pagbili ng mga pampaganda? Clue: Nagmula sa puso ang lalim ng acting niya, kaya napakahusay niya. ‘Di ba, Erick John Salut?

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Kris Aquino cannot be sure of Diether Ocampo

  1. Sa BI dapat pa bang pansinin ang mga bagay na iyon,, wala bang masulat ang writer dito. maganda si Dawn kahit walang makeup, pero siguro may point din kasi milyonaryo ang asawa niya dapat lang na magkaroon sya ng sarili niyang kita baka naka signed sya sa prenap agreement talo sya huli. tama lang na lumagare at magtipid sya.

  2. Ako rin, very frugal kasi naalala ko ang nakaraan ko na gutom na gutom kami dahil walang pera pang grocery at ngayon hindi na ako nasilaw sa mga brand name at mamahalin na bagay kasi ang ikakatakot baka something happens, may magkasakit sa pamilya ko at mabuti yong may pundo ka para may makuha kang panggastos kung may medical emergency ang dumating sa buhay nating. KAYA, I HAVE HIGH RESPECT SA MGA TAO na hindi buraska and I don’t think problema yong kuripot. Mas mabuting pa yong kuripot at may pundo kesa hindi kuripot at wala namang future.

  3. So what’s wrong with the blind item? Diba dapat ganon talaga kaysa naman ubos biyaya, bukas nakatunganga…. Can’t believe the mind setting of some people.

  4. obviously dawn zulueta. mm, maybe she doesn’t spend on make-up because even without makeup. she’s pretty pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.