Kris Aquino, binastos ang executives ng isang magazine?

Kris-AquinoBINASTOS TALAGA ni Kris Aquino ang Yes! Magazine executives nang hindi siya dumalo sa awards night nito. Siya pa naman ang finale awardee having been named Most Beautiful Star of 2015.

Yes, nakasabay ng SONA ang awards night, pero kaya naman niyang gawaan iyon ng paraan kung gugustuhin niya. Tapos na ang SONA when the awards night started kaya makahahabol pa siya.

Kaya lang, nagmaldita ang lolah Kris mo, inisnab niya talaga ang event. Alam na alam na naman niya na siya ang mananalo kasi three weeks before the event ay nagpunta na ang isang staff writer ng magazine para sabihin sa kanya na siya ang nagwagi. Initinterbyu pa nga siya nito after ng show nila ni Boy Abunda.

Nawalan ng saysay lahat ng preparation ng magazine dahil hindi dumalo si Kris.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleVina Morales, sobrang inip nang magkaroon ng lovelife
Next articleJennylyn Mercado, ‘di raw big deal ang pagpunta-punta sa condo ni Dennis Trillo

No posts to display