Kris Aquino, binanatan si Jamby Madrigal

OLA CHIKKA NA! Oh, no! Well, isang sikat na TV host at actress na super taklesa at sosyalera na si Kris Aquino ay talaga namang binanatan na rin ang ating senadora na si Sen. Jamby Madrigal na hindi rin nagpaawat sa mga isyu about kay Judy Ann Santos and Sen. Jamby. Say mo naman ‘di ba?

Say ba naman ni Ate Kris ay may diperensiya raw ang senadora. Ang taray, ‘di ba? Sino kaya ang may
diperensiya sa kanilang dalawa? Ha-ha-ha!

Kasi naman, ‘di ka naman kasali, nakikisali ka. Masyado naman yatang halata ang pagtatanggol mo. In fairness naman, ganyan talaga!

Mag-bestfriends daw yata sila and siyempre mukhang ‘di naman kasi bagay kay Juday maging sosyal-sosyalan, ‘di ba? Para pagsalitaan ang kanyang in-endorse noon bilang sendora at nag-i-English pa siya habang ini-interview. Na-shock talaga ang aking mga parazzi girl! Ano ‘yun, hindi naman bagay. Kaya ang masasabi ko lang, sino ba talaga ang may diperensiya? ‘Yun na!

AT ANG SUSUNOD naman sa ating baliktaktakan ay ang nakalolokang comedian actor at host na si Micheal V. Wala raw siyang tinanggap na talent fee sa kanyang ini-endorso na si Sen. Manny Villar. Tama ba ‘yun? Thank you lang, ok na?! Hmp!

Sa panahon ngayon, sa mga artista, wala nang thank you, ‘no?! Lahat naman ng mga nag-eendorso, ‘di raw sila binabayaran, at ang sabi pa ng komedyante, kaya niya raw ineendorso si Villar ay dahil gusto raw niya ang plataporma at adhikain nito. At swear pa raw kahit sunugin pa raw siya ay sasabihin lang niya na hindi raw siya nagpabayad dito. Ang taray!

Ang masasabi ko lang sa kanila ay magpakatotoo kayo! ‘Yun na!
BLIND ITEM: SINECH itey na dalawang magkapatid na sexy starlet na kinahuhumalingan ng isang sikat na male personality na dati ring natsitsismis sa isa pang starlet na ipinambayad lang sa mga pinagkakautangan ng kanyang ama dahil na-lost sa pulitika?

Ang bulong sa akin ng aking parazzi girl, dati nang pinupormahan nitong sikat na male personality na ito ang dalawang hitad na magkapatid na ito. Siyempre, gustung-gusto naman nila dahil nga madatung at maibibigay naman talaga ang mga gusto ng magkapatid na starlet. ‘Di ba ang taray, marunong!

Ang usap-usapan tuloy ng mga press people na ginagawa lang ba ito ng male personality para mapagtakpan lang ang relasyon nito sa kanyang kinakalantari o tuluyan na bang ipagpapalit na siya sa dalawang mas fresh na magkapatid na starlet? Ay, naku ha!

Mahilig talaga sa mga starlet itong napakasikat na male personality na ito. Pahingi naman ng clue?

Iisa lang ang manager ng mga starlet nito. Kahit itanong n’yo pa kay ‘Dong ‘yan!

Gusto mo pa ba ng clue para sa male personality? Show me da money… ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleNabuking tuloy? Anjo Yllana, pumiyok sa isang blind item!
Next articlePremiere Shots: Cristine and Maxene, girl-bonding!

No posts to display